7 Kakaibang Dahilan
…kaya humahaba ang buhay ng mga tao:
Laging ngumingiti kapag kinukunan ng litrato. Base sa ginawang pag-aaral ng Wayne University sa mga lumang litrato ng professional baseball players, ang mga nakangiti sa litrato ay mas tumagal ang buhay kaysa mga players na hindi nakangiti. Pinapaniwalaan ng mga researchers na ang pagngiti ay palatandaan ng wagas na kaligayahan ng isang tao. Ang kaligayahan ay hindi maikakaila na malaking tulong para sa magandang kalusugan ng katawan at isipan.
Ang initials ng iyong pangalan ay bumubuo ng positibong salita. Halimbawa, ang initials ng iyong first name, middle name at last name ay WIN, LUV, VIP, GOD at marami pang iba. Sa isang pag-aaral, mas mahaba ng 4 na taon ang buhay ng mga taong may positibong initial kaysa mga taong may negative initials.
May asawa. Sabi ng mga researchers ng University of Rochesters, ang taong maligaya ang buhay may-asawa ay nagsisikap ng lumayo sa mga bisyo upang maiwasan ang sakit. Idagdag pa ang kaligayahang nararanasan niya na nagpapalusog ng kanyang puso.
Medyo “overweight” pero hindi “obese”. Natuklasan ng researcher na si David Feeny na mas mahaba ang buhay ng medyo overweight kaysa taong may normal weight, sobrang mataba (obese) at sobrang payatot. Kasi ang tendency ng may normal weight ay pumayat at maging malnourish pagtanda niya. Ang medyo overweight naman ay matatagalan pa bago pumayat pagtanda niya dahil may nakareserbang “extra weight”. Ang obese naman ay patungo sa pagkakasakit sa puso kaya wala nang oras para pumayat at tumanda.
Paladasal. Nakakahaba ng buhay ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos.
Maraming kaibigan. Ang tinutukoy dito ay tunay na mga kaibigan at hindi basta lang kabarkada.
Mahilig tumawa at manood ng comedy film.
- Latest