18-anyos na estudyante, ibinenta ang virginity para mabayaran ang pagkakautang sa school
MALAKI ang pagkakautang ni Rosie Reid, 18, taga-London sa pinag-aaralang Bristol University. At kung hindi niya iyon mababayaran, hindi siya makaka-graduate. Kumukuha siya ng kursong Social Policy.
Kaya naisipan niyang i-auction ang kanyang virginity (sa pamamagitan ng internet) sa halagang £8,400. Marami ang sumali sa auction – mahigit 2,000 lalaki.
Hanggang isang engineer ang nanalo sa bidding. Ang lalaki ay 46-anyos, diborsiyado at may dalawang anak.
Agad siyang binayaran ng lalaki sa napagkasunduang halaga. Napasakamay niya ang £8,400 na inaasam na tanging kasagutan sa kanyang problema.
Pero bago ginawa ni Reid ang ganoong desisyon ay maraming beses siyang nag-isip. Kapag hindi niya nabayaran ang £15,000 pagkakautang sa unibersidad ay malabo na siyang maka-graduate. Ang pag-auction na lamang sa kanyang virginity ang alam niyang paraan para malutas ang problema.
Mayroon siyang trabaho (isa siyang working student) pero hindi sapat ang suweldo niya para mabayaran ang malaking pagkakautang. Hanggang sa maisip niya ang paraang iyon. Bakit hindi? Certified virgin naman siya at wala pang lalaking “nakakagalaw” sa kanya. Pero inamin ni Reid na mayroon siyang karelasyong tomboy.
Hanggang sa dumating ang sandali na kailangan na siyang angkinin ng lalaking nakabili.
Naganap iyon sa isang hotel sa Euston. Iyon ang unang-unang pagkakataon na may nakatabi siyang lalaki sa kama. Inamin ni Reid na kinabahan siya at natakot. “Horrible!” Nasabi pa niya. Pero kailangang tumupad siya sa napagkasunduan. Hindi na siya makakaatras sapagkat nabayaran na siya.
Naangkin siya ng lalaki. Nakuha ang kanyang kabirhenan.
Pagkatapos nang lahat ay umiyak siya.
Sabi ni Reid, nang nagaganap ang pag-angkin sa kanya ng lalaki, ang kanyang lesbian partner ay nasa kabilang room lamang at umiiyak. Bago ang naka-schedule na pag-angkin sa kanya, ilang araw na palang naka-check-in doon ang kanyang partner.
Sabi pa ni Reid, nang magkita silang dalawa (lesbian partner) pagkatapos siyang maangkin, wala silang nagawa kundi sabay na umiyak.
- Latest