^

Punto Mo

EDITORYAL - Nararapat masibak ang patulug-tulog

Pang-masa

PINAKAMATAAS ang casualties sa Benguet, kung saan umabot sa 11 ang namatay dahil sa panana­lasa ng Bagyong Lando. Isa ang Benguet sa grabeng hinagupit ng bagyo. Ang kabuuang bilang ng mga namatay sa buong bansa ay 58.

Dahil sa mataas na casualties sa Benguet, sinibak ang hepe ng pulisya roon dahil sa kabiguan nitong makaresponde sa oras ng kagipitan at sa kawalan ng preparasyon sa pagtama ng kalamidad. Ang inalis sa puwesto si Senior Supt. David Lacdan. Si Interior  Sec. Mel Senen Sarmiento ang nagtanggal kay Lacdan.

Sabi ng tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) na si Chief Supt. Wilben Mayor,  ang nangya-ring pagsibak kay Lacdan ay dapat maging aral sa iba pang police official kung paano makakapag-response sa pagtama ng disaster.

Ayon kay Mayor mayroong standard procedures ang PNP kung may tumatamang disaster o kalamidad. May nakahanda umano silang disaster incident management task group at inaasahang ang pulisya ay magiging proactive. Kinakailangang laging nakahanda at nalalaman ang mga gagawin sa biglaang pangangailangan. Ayon pa kay Mayor, alam ito nang lahat nang opisyal at mga miyembro ng PNP. At ang nangyari sa Benguet kung saan ay marami ang namatay ay masisisi sa kawalan ng responsibilidad ng hepe ng pulisya.

Kung ang ibang hepe ng pulisya ay naging abala sa paghahanda sa pagtama ng bagyo at halos walang tulog, ito namang si Lacdan ay walang ginawa at hinayaan na lamang na may mangyari sa kanyang nasasakupan. Hindi man lamang natigatig na maaa-ring may mamatay sa paghagupit ng Bagyong Lando. Kung ang ibang hepe ng pulisya ay puyat na puyat sa pagbabantay sa pagtama ng bagyo, itong si Lacdan naman marahil ay puyat sa katutulog.

Tama ang sinabi ni General Mayor na magsilbi sanang aral sa iba pang opisyal ng PNP ang nangyari kay Lacdan. Hindi na dapat maulit ang pagwawalambahala lalo na kung may dumarating na kalamidad. Kung ang mga criminal ay dumarating na walang paalam o abiso, ang Bagyong Lando ay may babala at sa kabila nito, hindi pa rin nakapaghanda ang hepe ng Benguet police.

Tama lamang na inalis siya sa puwesto. Hindi kailangan sa PNP ang katulad niya.

vuukle comment

ANG

AYON

BAGYONG LANDO

BENGUET

CHIEF SUPT

DAVID LACDAN

GENERAL MAYOR

KUNG

LACDAN

MEL SENEN SARMIENTO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with