^

Punto Mo

‘Sayaw Willie, sayaw Willie’

- Tony Calvento - Pang-masa

MINSAN akala natin na hindi na titigil ang pagdating ng grasya, nadadala tayo sa lango ng kasikatan subalit sa isang kisap mata maaaring maglaho ang lahat ng ito at isang malaking problema ang nasa harap ng mukha mo.

Kapakanan ng kabataan ang unang binibigyan ng halaga ng estado sila na hindi kayang ipagtanggol ang mga sarili dahil hindi nila alam kung kailan mali ang kanilang ginagawa kaya sila nadedehado.

Kumalat ang mga balita tungkol sa pag-aresto sa kilalang ko-medyante/tv  host na si Willie Revillame.

Pagsayaw ng tinawag nilang ‘macho dancer moves’ sa Willing Willie ng isang anim na taong gulang na batang lalaki ang reklamo sa kanya noong 2011 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni Sec. Dinky Soliman DSWD matapos makatanggap ng reklamo.

Sari-saring reaksiyon ang inani ng video na naiupload sa iba’t-ibang site. Ang parte lang na naipakita ay yung pagsasayaw ng bata habang umiiyak.

Nagsigawan ang mga tao at pinalakpakan ang bata. Tuwang-tuwa ang mga nanood at pinaulit pa ni Willie sa pagsasayaw ang anim na taong gulang na lalaki habang sinasabayan niya ito. Sampung libong piso ang ibinigay niya bilang premyo.

Makalipas ang ilang araw pinatawag itong si Willie at sinabing may naghain ng reklamo laban sa kanila.

Sinubukan nilang agapan ang sitwasyon at pinagsalita sa kanyang programa ang mga magulang ng bata. Ang tiyuhin daw nito ang nagturo sa kanya ng sayaw.

“Ang anak ko ang may gusto ng ganyang sayaw. Sa totoo lang sa school nila ‘yan din ang sinayaw niya. Tuwang-tuwa siyang pinapalakpakan ng mga tao,” sabi ng ama ng bata.

Nakiusap din sila na huwag naman sanang sabihang inaabuso ang kanilang anak dahil nasasaktan daw sila. Gustong maging artista ng bata at gusto niyang mapansin ng mga tao kaya’t kakaibang talent ang ginawa niya.

Kaya din daw umiiyak ang bata habang sumasayaw dahil natakot siya kay Bonel Balingit na mukha daw kapre sa tangkad.

Nagtuluy-tuloy ang kaso hanggang sa maiakyat ito sa Regional Trial Court (RTC) Brach 86 at nag-issue ng ‘warrant of arrest’ si Presiding Judge Roberto Buenaventura.

Nagbayad ng piyansa sa halagang Php80,000 si Revillame para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Naghain ng Motion for Reconsideration (MR) ang kampo ni Revillame at iginiit nilang hindi nila pinilit sumayaw ang bata ngunit ‘denied’ ang kanilang apela.

Dinala nila ito hanggang sa Court of Appeals (CA) at naglabas naman ng desisyon si Associate Justice Ma. Luisa Quijano-Padilla.

“As there is probable cause for the petitioner’s commission of a crime, his arrest and arraignment should now ensue so that this case may properly proceed to trial, where the merits of both parties’ evidence and allegations may be weighed,” ayon sa CA. “The case had long been delayed because of the petitioner’s refusal to submit to the trial court’s jurisdiction and erroneous invocation of the Rules in his favor.

Kasalukuyang naghain ng ‘Petition for Certiorari’ ang kampo ni Revillame ngunit pending pa ito sa loob ng dalawang taon.

Umaatras na ang mga magulang ng bata dahil hindi daw sila naniniwalang naabuso ang kanilang anak. Ganun pa man ang estado na ang lumalaban.

Sumikat ang mga katagang ‘Bigyan ng Jacket yan!’ at ‘Bigyan ng limang libo!” Kung huminto ka na lang sa ganyan hindi na nagsanga ang usaping ito.

Alam niyo din dapat lalo na kung may mga batang parte ng inyong programa kung kailan sila hihintuin sa ginagawa dahil mas kayo ang nakakaintindi ng tama at mali.

PARA SA ANUMANG REAKSIYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

ANG

ASSOCIATE JUSTICE MA

BATA

BIGYAN

BONEL BALINGIT

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DINKY SOLIMAN

MGA

REVILLAME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with