^

Punto Mo

Sir Juan (5)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

GUSTUHIN man ni Juan na magturo (pagka-teacher ang tinapos niya) ay hindi rin uubra dahil wala ngang mag-aasikaso sa boarding house na itinayo ng kanyang ina. Siya lamang ang tanging nakaaalam ng business dahil matagal-tagal na rin siyang katulong ng ina. At saka, mas malaki ang income ng boarding house kaysa kung magtuturo siya. Isa pa, kailangan niyang bumangon nang maaga para pumasok sa school. Hindi na niya kakayayanin iyon.

Ang boarding house na lang ang aasikasuhin niya. Buhay na buhay siya rito. Darating lang nang darating sa kanya ang pera. Kaila-ngan lang ay pagbutihin niya na maging maayos ang tirahan ng mga estudyante. Kailangan lamang ay mapanatili niyang malinis ang boarding house. Kabilin-bilinan ng kanyang inay na huwag hayaang magkakaroon ng ipis at bubuwit ang bawat kuwarto. Kapag nadiri ang mga estudyante, aalis ang mga ito at wala siyang kikitain. Kaya hindi niya hinahayaang magkaroon ng insekto at bubuwit ang mga kuwarto. Pati ang mga banyo ay ala-gang-alaga niya. Mabango palagi.

Isang babaing katulong ang gumagawa niyon. Darating ang katulong ng alas singko ng madaling araw para maglinis at aalis ng alas singko ng hapon. Matagal nang tagalinis ang babae na kinuha pa ng kanyang ina.

Kabisadung-kabisado na niya ang pangalan ng kanyang boarders at bedspacers. Iba-iba ang ugali ng kanyang boarders. May suplada, mahinhin, madaldal, mabait at mayroong walang imik. At mayroon ding malandi.

Isang umaga, nagkukuwenta siya ng mga gastos nang may kumatok sa pinto.

“Pasok!’’ sabi niya.

Isa sa mga boarder niya.

‘‘Puwede ka bang makausap, Sir Juan?’’

“Oo naman. Halika. Maupo ka.’’

Pumasok ang babae.

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

BUHAY

HALIKA

ISA

ISANG

ITUTULOY

KABILIN

MGA

NIYA

SIR JUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with