^

Punto Mo

EDITORYAL - Kandidatong may kaso bawalang tumakbo

Pang-masa

MARAMING nagpapayo sa Commission on Elections (Comelec) na bawalan ang mga “panggulo” na makapag-file ng certificate of candidacy (CoC). Madali lang namang makilala kung sino ang mga “panggulo’’ kaya hindi mahihirapan ang Comelec na kilalanin ang mga ito. Tuwing sasapit ang filing ng CoC ay maraming sumusulpot para mag-file ng kandidatura para presidente, bise presidente, senador at iba pang posisyon. Nagiging katatawanan na ang pag-file ng CoC dahil sari-saring dahilan ang sinabi kung bakit naisipang tumakbo: Sugo raw sila ng Diyos. May nagsabing siya si Lucifer. At may nagsabing siya ang lalaban sa mga Anti-Kristo.

Isa pang dapat ipagbawal ng Comelec ay ang pagtakbo ng mga kandidatong may mabibigat na kaso. Hindi na sila dapat hinahayaang makapag-file ng CoC.

Maraming kandidato na ang nakatakbo sa election kahit na kaliwa’t kanan ang nakasampang kaso. Nabulag sa kanila ang mamamayan kaya naman maraming nagsisisi kung bakit ang kandidato pang iyon ang napili gayung may masama palang record. Kung alam lamang daw nila na may nakabinbin na mga kaso ang kandidatong ibinoto, hindi nila ginawa iyon. Nasa huli raw ang pagsisisi.

Kabilang sa mga nag-file ng CoC para sa party list ay si dating MRT general manager Al Vitangcol na inaakusahang nangikil ng $30 milyon sa Czech ambassador to the Philippines, kapalit ay kontrata sa pinamumununang ahensiya. Bukod sa pangingikil, inakusahan din si Vitangcol nang pagpabor sa isang deal kung saan kamag-anak niya ang sangkot.

Nag-file din ng CoC ang magkapatid na Joel at Mario Reyes ng Palawan. Ang magkapatid ay ina­akusahang “utak’’ sa pagpatay sa broadcaster na si Gerry Ortega. Naaresto ang Reyes brothers sa Phuket, Bangkok, Thailand noong nakaraang buwan.

Marami pang nag-file ng CoC kahit may kinakaharap na kaso. Ito ang nararapat ipagbawal. Kung nakakatawa ang mga “panggulo’’, nakakatakot naman ang mga may kaso. Huwag hayaang makapag-file ang mga taong ito. Lumikha ng batas para mapigilan silang kumandidato.

ACIRC

AL VITANGCOL

ANG

ANTI-KRISTO

BUKOD

COC

COMELEC

FILE

GERRY ORTEGA

MARIO REYES

MGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with