‘Invisible People’(Namamalimos sa Pasig)
SA bahagi ng Ortigas Avenue at sa kanto ng Meralco Avenue sa Pasig City, kapansin-pansin ang mga taong may kapansanan sa paningin, araw-araw namamalimos.
Isa-isang lumalapit at kumakatok sa salaming bintana ng mga sasakyan para mabigyan ng limos. Tumi-tyempo kapag nag-pula na ang ilaw ng traffic light.
‘Invisible people’ o mga “taong hindi nakikita” ang tawag sa mga nanlilimos sa Pasig kung saan kalimitan sila’y dini-dedma o ‘di naman kaya ‘di pinapansin ang katauhan.
May mga handler o alalay ang “mga taong hindi nakikita.” Subalit, hindi matiyak kung sila ay kanilang mga kaanak o myembro ng mga organisadong sindikato.
Sa mga isinagawang field investigation ng BITAG Investigative Team, iisa lang ang pinanggagalingan at inuuwian ng mga invisible people sa Pasig pati na ang kanilang handlers.
“Bulagan” ang tawag sa kanilang komunidad sa Bgy. Manggahan na may opisyal na katawagan na ‘Pamayanan para sa may mga kapansanan.’
Sa surveillance sa isa sa aming mga sabjek na matandang bulag na lola, nalaman ng aming grupo ang totoong dahilan ng kaniyang panlilimos.
Hindi pa pala siya nababayaran sa kaniyang pinagtrabahuhan sa lungsod at hindi rin nabibigyan ng ayuda ng lokal na pamahalaan ng Pasig City bagay na mariin naman nilang itinatanggi.
Panoorin ang “Invisible People” mamaya sa bitagtheoriginal.com click BITAG New Generation.
• • •
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.
- Latest