^

Punto Mo

EDITORYAL - Tanong sa BI: Ba’t maraming Chinese drug traffickers?

Pang-masa

NOONG nakaraang buwan, may mga naarestong Chinese drug traffickers sa West Avenue, Quezon City. Nakakuha ng ilang kilo ng shabu sa sasakyan nito na nagkakahalaga ng milyong piso. Hindi marunong magsalita ng Tagalog o Ingles ang mga naaresto. Kamakailan lang, may mga nahuli ring Chinese drug traffickers sa Pasay at nakumpiska sa kanila ang high grade shabu na nagkakahalaga ng milyong piso. Nang tanungin ang mga nahuling Chinese, hindi rin marunong magsalita ng Ingles o kahit kapirasong Tagalog.

Noong Miyerkules, limang Chinese drug traffickers ang nahuli ng mga pulis sa Congressional Avenue, Quezon City. Nakumpiska sa kanila ang 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P50-milyon. Nang tanu-ngin din ang mga ito kung marunong mag-English o Tagalog, hindi makapagsalita. Nahuli rin sa lima ang mga ID na kinabibilangan ng driver’s license at iba pang dokumento na halatang peke.

Nakapagtataka kung bakit naglipana sa kasalukuyan ang mga Chinese na involved sa illegal dug business. Halatang baguhan lamang sila sa bansa sapagkat hindi pa marunong magsalita ng kahit kaunting Tagalog. Makikilala naman kung legal ang pagkakapasok nila sa bansa.

Isang malaking tanong ay kung paano nakapasok sa bansa ang mga Chinese na walang sapat na papeles? Ginagawa pa ba ng Bureau of Immigration ang kanilang trabaho o may ginagawang “milagro” ang mga tauhan para sa mga naglipanang illegal na dayuhan.

Dapat malaman kung namo-monitor ng BI ang mga galaw ng dayuhan particular na ang mga Chinese. Ginagawang santuwaryo ng Chinese drug traffickers ang bansa at nakaaalarma na ang kanilang aktibidad.

ANG

BUREAU OF IMMIGRATION

CHINESE

CONGRESSIONAL AVENUE

DAPAT

GINAGAWA

MGA

NANG

NOONG MIYERKULES

QUEZON CITY

WEST AVENUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with