Pekeng pera kumakalat!
Ngayong malapit na ang holiday season sinasabing kakalat na naman ang mga pekeng pera.
At eto nga, noong nakalipas na Miyerkules sinalakay ng mga tauhan ng PNP - CIDG ang isang pwesto sa Recto sa Sta Cruz, Manila na hindi lamang mga pekeng diploma at iba pang dokumento pala ang iniimprenta dito kundi mga pekeng pera.
Hindi lang peso, aba’y ang titindi ng mga ito pati pekeng dolyar ginagawa rito.
Malamang na may naikalat na ang grupo ng sindikato , kaya nga ito ang nagbunsod sa CIDG para isagawa ang operasyon na naging matagumpay naman at agad na napigilan ang posibleng pagkalat pa nito.
Nag-ugat ang operasyon makaraang dumulog mismo sa pulisya ang US Embassy na nakatamggap ng bayad buhat sa visa ng pekeng pera noong nakaraang buwan.
Idinulog ito sa pamamagitan ng endorsement letter para paimbestigahan ng pulisya,
Ang naturang peso bill ay sinuri naman ng Bangko Sentral at nakumpirma ngang peke.
Apat ang naaresto sa isinagawang operasyon sa Recto at dito nga nasamsam ang mga ginagawang mga pekeng dokumento na noon ang uso lang dito pekeng diploma ngayon nakasamsam ng mga ginagawang pekeng LTO registration, OR , ibat-ibang pangalan ng mga pekeng lisensiya ng LTO, mga lisensiya ng baril, ilang piraso ng LTO hologram, firearms and explosive division (FED) hologram, mga pekeng US 100 dollars, 145 piraso ng 1000 peso bill, 135 piraso ng 500 peso bills, isang Laptop, 2 computer desktop, t iba’t-ibang accessories at paraphernalia sa pamemeke.
Kaya nga ang babala ng kapulisan dapat maging mapanuri hinfi lang ngayon holiday season.
Mukhang hanggang sa halalan daw sa susunod na taon pqedeng magamit ang mga pekeng pera ng ilang tiwali para ipang - ambon sa mga botante.
Matinding pag - iingat ang kailangan ng publiko na bagamat may nalamsag na ang PNP hindi malayong may ilan pang kasamahan ang sindikato na patuloy sa kanilang ilegal na aktibidades.
Gayunman , ayon sa CIDG patuloy pa rin ang ginagawa nilng follow up operation para tuluyang masawata ang sindikatong ito. (end)
- Latest