^

Punto Mo

Sen. Miriam, nagpakulay sa 2016 elections

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAGDEKLARA kahapon si Sen. Miriam Defensor Santiago na sasabak na rin sa 2016 presidential elections.

Sa pagkandidato ni Santiago bilang presidente ay nagpadagdag ito ng kulay sa pulitika sa bansa.

Hindi matatawaran ang talino, husay at naging performance ni Santiago bilang isang senador at naipakita rin nito ang kanyang tapang sa halos lahat ng isyu sa bansa.

Napapanahon ang timing ni Santiago na kumandidato dahil umatras na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 presidential elections.

Marami ang nagnanais na kumandidato si Duterte dahil sa kanyang tapang na harapin ang kampanya laban sa kriminalidad para mapagbuti ang peace and order at laban sa iligal na droga na nagawa mismo sa Davao City.

Talagang kailangan ngayon ng bansa ang isang matapang na presidente upang labanan ang napakabigat na problema ng mga Pilipino.

Sa tindi ng problema ay nararapat lang na gumamit ng kamay na bakal o matatag na desisyon ang isang lider para mapatino ang bansa.

Si Santiago ay maituturing na may sapat na tapang at lalo na ang talino upang harapin ang mabigat na problema sa bansa mula sa peace and order at ang kabuhayan ng bansa.

Samantala, ayon sa aking sources, maaring makatambal ni Santiago si Sen. Bongbong Marcos bilang vice president na isang magandang tambalan at may laban sa eleksiyon.

Gayunman, makakabuting nadagdagan ang mga kakndidatong presidente upang mas maraming mapagpilian ang mga botante na karapat-dapat na maging lider ng bansa.

vuukle comment

ANG

BANSA

BONGBONG MARCOS

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

GAYUNMAN

MARAMI

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

NAPAPANAHON

SI SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with