‘Pasay Presinto Dos Hulidap’
TAUN-TAON marami ang mga nabibiktima ng mga tiwaling pulis na sangkot sa mga hulidap.
Estilong panghuhuli sa pamamagitan ng pagpaplanta ng droga o anumang bagay na maituturing kontrabando at labag sa batas. Kapalit ng kalayaan ng kanilang biktima ay halaga ng perang hinihingi ng mga tiwaling pulis na nagsasagawa ng hulidap.
Mapanganib ang ganitong uring mga operasyon dahil ang mga ini-entrap mismong mga pulis na naka-assign sa kani-kanilang balwarte, presinto o headquarters.
Kaya naman sa ganitong mga kaso, kalkulado at maingat ang bawat kilos at galaw ng BITAG kasama ang mga operatibang nakikipagtulungan sa amin na kabaro rin ng aming mga sabjek.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), may prosesong sinusunod ang mga awtoridad kapag may nahulihan ng droga.
Hindi maaaring hulihin ng sinumang pulis ang isang indibidwal kung walang impormasyon sa sabjek o sa lenggwahe ng mga alagad ng batas ‘info reference,’ walang isinagawang pre-planning o pre-operations at kung ang lahat ay nakabase lamang sa pagdududa at nakikita ng mata.
Nitong buwan ng Hunyo, isang tawag ng pamilyang humihingi ng saklolo sa nangyaring Hulidap sa Pasay presinto dos ang natanggap ng BITAG. Ang umano’y biktima, nakaparada lang at naka-hazard ang sasakyan nang nilapitan at agad hinuli ng mga lespu.
May bitbit umanong ilegal na droga ang pobreng manager ng isang salon dahilan kung bakit siya binitbit sa presinto.
Subalit, habang nakikipag-usap ang BITAG sa mga kaanak ng biktima, may nangyayari na palang transaksyon sa pagitan ng mga tiwaling pulis at pamilyang humihingi ng saklolo.
Panoorin ang “Pasay Presinto Dos” mamaya sa bitagtheoriginal.com click BITAG NEW GENERATION.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.
- Latest