Lake sa India na sobrang polluted, pinagmumulan ng sunog!
ANG Bellandur Lake ay isa sa mga pinakamalaking lawa (lake) sa Bangalore, Southern India. At ito rin ang pinaka-polluted na lake sa buong India.
Dahil sa sobrang polluted, natatakpan na ang lake ng animo’y snow. Kung titingnan sa malayo, aakalaing snow nga ang nakabalot sa lake, pero hindi snow ang mga iyon kundi toxic foam.
Sa lake na ito umaagos ang untreated chemical waste. Dito rin humahantong ang mga grasa, mantika. tubig na may sabon at kung anu-ano pang mga dumi na galing sa pabrika at mga kabahayan. Kapag naipon o nagsama-sama ang mga duming ito, lumilikha ng white froth kapag umulan nang malakas.
At dahil may grasa at langis, pinagmumulan ng sunog ang lake. Maraming beses nang nagliyab ang lake dahil sa sama-samang toxic. Dahil dito, tinagurian itong Flaming Lake.
Maraming residente sa paligid ng lake ang natatakot sapagkat baka madamay sila kapag nagkasunog. Kapag umulan nang malakas, natatakot din sila dahil tumataas ang froth at mahirap dumaan sa lake. Nirereklamo rin nila ang masamang amoy ng lake.
- Latest