^

Punto Mo

Angal vs promotion sa PNP!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

INAANGALAN ng mga Senior Superintendent ang pagwalang bahala ng Philippine National Police sa kanilang Senior Linear List (SLL) at imbes pinaiiral ang “by class” promotion ng PNP sa pagka-heneral. Madami kasing senior colonel o Senior Supt. ang na-promote dahil sa kanilang mga achievement sa pakikibaka sa krimen at droga ang nangangambang baka abutin sila ng attrition policy ng PNP kapag hindi sila nakapuwesto at makuha ang star rank nila. Itong mga apektadong senior colonel mga kosa ay ‘yaong may edad na at kapag sinunod nila ang “by class” promotion ay baka mag-retire na sila ay hindi pa nila masungkit ang star sa balikat nila. At itong “by class” promotion ay nagdulot ng demoralisasyon sa hanay ng PNP dahil karamihan sa mga PMA at PNPA graduates ay hindi na nagtatrabaho dahil sa kahit abot-langit man ang achievements nila ay hindi rin naman sila mapo-promote. Kaya andun na lang sila sa mga air-con na opisina at hinihintay na ang klase na nila ang nakaatang na ma-promote. Punyeta! Kaya pala hindi masawata ng kapulisan ang problema sa krimen at droga ay dahil sa “by class” na promotion ng PNP?

Itong SLL mga kosa ay listahan ng mga police officers at kung kalian sila na-promote sa kanilang ranggo. Dati-rati, ang SLL ang ginagawang giya ng PNP para sa promotion process nila. Kaya kapag masipag ka at sangkaterba ang achievement mo, tiyak mauuna ka ring ma-promote. Subalit nitong mga nakaraang taon, hindi na ang SLL ang pinagbasehan sa promotion sa PNP kundi itong “by class” system. Ang ibig sabihin ng mga kosa ko sa PNP, kapag hindi pa oras ng klase nitong mga PNPA at PMA graduates na ma-promote, aba kasehodang abo’t langit ang medalya at plake mo, hindi ka puwedeng itaas ng ranggo. Get’s n’yo mga kosa? Dapat sigurong rebisahin ni PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez ang proseso na ito ng “by class” promotion para magkaroon ng “win-win” solution sa problemang ito. Punyeta! Sino na lang ang magbubuwis ng buhay sa pakikibaka laban sa kriminalidad at droga kung wala naman silang incentive tulad ng promotion?

Ang ginawang halimbawa ng mga senior colonel ay ang promotion ni Chief Supt. Rudy Lacadin bilang PRO3 director. Si Lacadin ay miyembro ng PNPA Class ’84 at kapo-promote lang na Chief Supt. bago siya na-promote sa Central Luzon. At marami ang nagtaas ng kilay sa promotion ni Lacadin dahil marami pang mga heneral sa Camp Crame na naunang ma-promote sa kanya subalit hindi maka-puwesto, di ba mga kosa? At higit sa lahat, halos siyam na buwan na lang si Lacadin sa serbisyo. Si Sr. Supt. Romulo Sapitula naman ay miyembro ng PNPA Class ’86 at sa ngayon ay deputy regional director for operations (DRDO) ng PRO4-A. Sinabi ng mga nagrereklamong police officers na kailan lang nasungkit ni Sapitula ang Sr. Supt. n’ya subalit dalawang hakbang na lang at heneral na siya. Punyeta! Weder-weder lang ‘yan!

Si Chief Supt. Ericson Velasquez naman ay halos hindi nakuha ang PRO1 dahil sa katwirang bata pa siya. Subalit dahil competent naman at may ibubuga, hayun nakaupo na rin si Velasquez, ng PMA Class ‘85 at sa loob ng isang linggo ay acting na ang status niya. Kamuntik nang maging biktima si Velasquez ng “by class” system, di ba mga kosa? Siyempre, nasa tabi lang ni Velasquez si Sr. Supt. Alfred Corpus, ng PMA Class ’87, ang bagong hepe ngayon ng Police Security and Protection Group (PSPD). Kapag ginusto may paraan talaga, di ba mga kosa? Punyeta! Naging magulo ang PNP magmula ng pasukan ng pulitika!

May mga Sr. Supt. na sumubok na mag-submit ng kanilang mga papeles sa Senior Officers Placement and Promotion Board para gumalaw ang promotion process nila subalit tinanggihan ng SOPPB dahil sa hindi pa toka ng klase nila.

Ang apektado ng “by class” promotion ay ang PMA at PNPA classes na ’88 hanggang ’92 at sa ngayon ay nganga sila. Abangan!

ACIRC

ANG

CLASS

HINDI

MGA

NILA

PNP

PROMOTE

PROMOTION

PUNYETA

SR. SUPT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with