70-anyos na lalaki sa Turkey na 47 taon nang nasa ospital, pumanaw na
TUMAGAL ng 47 taon sa isang ospital sa Turkey ang 70-anyos na si Abdullah Kozan at noong nakaraang linggo, binawian siya ng buhay. Pero hindi siya namatay dahil nakaratay kaya nasa ospital kundi naroon siya dahil wala na siyang mapuntahan o mauwian.
Nagtungo sa ospital si Abdullah noong 1968 makaraang magpakunsulta dahil sa napakatinding pananakit ng ulo. Si Abdullah ay retiradong sundalo. Nang ma-admit sa ospital at ma-checkup, nakiusap siya sa mga doctor doon kung maaari ay magtagal-tagal sa ospital sapagkat wala na raw siyang pupuntahan at uuwian pang bahay.
Pinayagan naman siya ng hospital administration hanggang sa makasanayan na niya ang buhay sa ospital. Naging kaibigan na niya ang mga nurse, attendant at pati mga janitor. Tuluy-tuloy din naman ang treatment sa kanya dahil patuloy pa rin ang pananakit ng kanyang ulo.
Ang ginagawa ng administration, kapag matatapos na ang treatment ni Abdullah ay nire-register uli siya bilang bagong pasyente. Ganoon lagi ang ginagawa kay Abdullah hanggang sa umabot siya ng 47 taon sa ospital at yumao noong nakaraang linggo.
Walang nabanggit kung mayroon pang kamag-anak si Abdulla at kung bakit sa ospital siya tumira sa mahabang panahon.
- Latest