Ang Mabait na Titser
NOONG bata pa ang aking kaibigan, minsan ay tinanong niya ang kanyang ama kung bakit tulong pa ito nang tulong sa mga kapatid samantalang mahirap din naman sila. Ang sagot ng kanyang ama ay ito: Mas natutuwa ang Diyos kung ang pagtulong mo sa iyong kapwa ay may kasamang sakripisyo.
Si Kenny Thompson ay isang titser sa elementary school sa Texas. Binayaran niya ang utang ng 60 estudyante sa kanilang school canteen. Sa hirap ng buhay, kailangang utangin ng mga bata ang kanilang tanghalian sa canteen. Palibhasa ay mahaba na ang listahan ng utang, malamig at walang sustansiyang sandwich ang ibinibigay sa mga batang may utang.
Hindi mayaman si Thompson at hindi kalakihan ang suweldo. Naawa lang siya sa mga bata kaya dinukot niya ang kaunti niyang naipon para ipambayad sa utang ng mga ito. Kailangan ng mga bata ang mainit na sabaw at masustansiyang pagkain lalo na kung panahon ng tag-lamig. Naniniwala si Thompson na masyado pang mura ang kanilang isipan para ipamukha ang bigat ng problema ng mundo. Ang pinoproblema dapat ng isang tipikal na bata ay kung paano nila mai-improve ang grade sa spelling o kaya paano masosolusyunan ang math problem at hindi economic problem.
‘‘Be kind? for everyone you meet is fighting a harder battle.’’ Plato
- Latest