^

Punto Mo

EDITORYAL - Bitay, ibalik para sa drug traffickers

Pang-masa

KAHAPON, tinatayang P100 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) sa Caloocan City. Magsasagawa ng buy-bust operation ang AIDSOTF subalit nakatunog ang Chinese drug traffickers na nakilalang si Mico Tiu Tan. Inabandona nito ang sasakyan at tumakas. Nakuha sa sasakyan ng drug trafficker ang 20 kilo ng shabu.

Kamakalawa, isang Chinese ang naaresto sa Parañaque City at nakuha sa kanyang sasakyan ang kilu-kilong shabu na milyong piso ang halaga. May mga naaresto ring drug trafficker sa San Juan City, kamakalawa. Noong nakaraang linggo, nadiskubre ang drug dens sa likod ng Camp Crame na mini-maintain ng isang pulis.

Laganap na laganap ang illegal drugs. Kahit saang sulok ng bansa ay makakabili ng shabu. Ang resulta, napakaraming drug addict. Kahit sa liblib na lugar ay maraming addict sa shabu. Ayon sa report ng Dangerous Drugs Board (DDB) nasa 1.7 milyong Pinoy ang lulong sa droga. Hindi lamang kabataan ang sugapa kundi pati mga nasa tamang gulang. Nakaaalarma ang pagdami ng mga sugapa sa maraming bahagi ng bansa. Ayon sa Philippine National Police (PNP), 90 per cent ng mga barangay sa bansa ay drug infested.

Paigtingin pa ng awtoridad ang kampanya laban sa mga sindikato ng droga. Huwag tumigil sa pagsa-lakay para ganap na malipol ang mga salot ng lipunan. Hindi natatakot ang mga salot dahil alam nilang malambot ang batas sa bansang ito.

Sa Indonesia, China, Saudi Arabia at ibang bansa sa Middle East, kamatayan ang parusa sa drug traffickers. Dito sa Pilipinas, habambuhay ang parusa. Napakaraming drug traffickers ang nakakulong ngayon sa New Bilibid Prisons (NBP) at pinakakain pa ng gobyerno. At sa maniwala at hindi, kahit nasa loob ay nakakapag-transact pa ng business na may kinalaman sa illegal drugs.

Isulong ang batas na pagbabalik ng bitay para sa mga drug trafficker. Ito ang solusyon para maging drug-free ang bansa.

 

vuukle comment

ANG

AYON

CALOOCAN CITY

CAMP CRAME

DRUG

DRUGS BOARD

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

KAHIT

MGA

MICO TIU TAN

MIDDLE EAST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with