^

Punto Mo

‘Teka-teka sa nilaglag-bala’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MABUTI naman at sinibak na ng Palasyo ang mga sangkot sa “nilaglag-bala” modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

‘Nilaglag-bala’ para sa Bitag Live kasi ang insidente, sinadya. May masamang intensyon ang naka-plantang utak-kriminal na nasa likod nito.

Kung hindi pa muna kumalat sa social media at sinakyan ng isang senador at gustong magpasikat na kongresista ang insidente hindi pa kikilos ang ehekutibo.

Una nang sinabi ng Palasyo, isolated case lang ang nangyari sa paliparan. Pero nang pumutok na ang balita sa media, bigla silang kumambyo, papatawan daw nila ng parusa ang sinumang mapapatunayang sangkot sa insidente.

Kaya kahapon, siguro kahiyaan nalang, nilaglag o sinibak na ng Palasyo ang apat na security personnel na nadawit sa kaso.

Dito makikita ang ugaling “Teka-teka” ng mga nakaupo at namumuno sa gobyerno.

Sisibakin din naman pala ang mga sangkot, bakit hinayaan pa munang maging kontrobersyal at malaking isyu.  At ang resulta ng isinagawa nilang imbestigasyon, habang ginagawa ang kolum na ito, hindi man lang inilabas sa publiko.

Nagdulot ng malaking kahihiyan sa buong departamento at sa pamahalaan ang “nilaglag-bala” na ito.

Maliban dito, nag-iwan din ito ng pangit na panlasa sa bibig ng mga dayuhan, balikbayan at bawat mamamayan sa bansa.

Tulad nga ng sinasabi ko sa aking programang Bitag Live, ang paliparan ang bintana ng isang bansa sa mga dayuhan.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.

ABANGAN

ACIRC

ANG

BITAG LIVE

DITO

KAYA

MALIBAN

NAGDULOT

NILAGLAG

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PALASYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with