^

Punto Mo

Banta ni Sarmiento!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAGBANTA si DILG Sec. Senen Mel Sarmiento na lilinisin niya ang Philippine National Police (PNP) sa mga anay o scalawags, tulad ng mga protektor ng illegal gambling o droga. Ginawa ni Sarmiento ang banta matapos mahuli ang isang pulis na umano’y protektor ng isang drug syndicate, sa isinagawang raid kamakailan sa Bgy. West Crame sa San Juan City, na ilang metro lang ang layo sa PNP headquarters. Nagtataka lang ang mga kosa ko kung bakit ang mga anay o scalawag cops lang ang pinag-initan ni Sarmiento samantalang puwede namang uminit ang butse n’ya sa talamak na illegal gambling sa bansa. Hanggang sa ngayon kasi, wala pang inanunsiyo si Sarmiento ukol sa illegal gambling, kaya maaring masaya ang gambling lords habang kinukurakot nila ang mga pera ng mga mahihirap nating kababayan, di ba mga kosa? Kung sabagay, ilan na bang DILG secretary ang nangako na ipasasara nila ang illegal gambling, lalo na ang jueteng, subalit napako lang ang pangako nila? Simulan natin kay Joey Lina, Ronnie Puno at maging si LP standard-bearer Mar Roxas. Nagtagumpay ba sila? Punyeta! Eh di hindi! Di ba, mga kosa?

Paano lilinisin ni Sarmiento ang PNP kung mismo sa Camp Crame ay namamataan na ang gambling lords? Sinabi ng mga kosa ko na noong panahon ni PNP chief ret. Dir. Gen. Alan Purisima, ni anino ng mga gambling lords ay hindi nasisilayan sa Camp Crame. Subalit sa panahon ngayon ni PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez, maraming gambling lords ang labas-masok sa Camp Crame at makikita sila sa quarters ng isang alyas Piskal na sagradong bata umano ni Marquez. Siyempre, kapag nandun si Piskal, nasa paligid lang niya si Lito Guerra alyas Bombay, na naging tong kolektor ni Marquez noong nasa PRO1 pa siya. May niluluto kayang pagkakakitaan ang magkasanggang sina Piskal at Bombay? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Punyeta! Hehehe! Dapat arukin ni Sarmiento ang balitang tinatawagan nina Piskal at Bombay ang mga regional directors ng PNP, at iniendorso ang sarili nila para maging tong kolektor sa mga pasugalan at iba pang ilegal na pagkakitaan. At siyempre, gamit nina Piskal at Bombay ang pangalan ni Marquez sa ilegal na raket nila. Punyeta! Puro sarili lang ang iniisip n’yo, di ba Heneral Luna?

Ang paalala ko lang kay Sarmiento na may matandang kasabihan tayo na linisin mo muna ang bakuran mo bago ka makialam sa bakuran ng iba. Dahil sa ngayon, habang abala si Sarmiento sa trabaho niya, patuloy pa din naman ang pag-iikot ng mga tong kolektor para ikolekta ang opisina niya ng weekly payola sa gambling lords, putahan at beerhouse. Ang unang ipaaresto ni Sarmiento at itapon sa likod ng rehas na bakal ay si Ryan Bacordo, alyas Ryan Batangas, na ang pugad ay ang Calabarzon area. Si Bacordo ang kumokolekta para sa Office of Internal Security (OIS) ni Sarmiento at maging ang para sa Special Police Assistant (SPA) na si Chief Supt. Bart Tobias. Si Bacordo rin, kasama si Atty. Gerry Asuncion ang bagman ni Calabarzon police director Chief Supt. Richard Albano, anang mga kosa ko. Hayan, kapag nabuwag ni Sarmiento ang tandem nina Bacordo at Asuncion, maniniwala na ako na seryoso siya para linisin ang PNP sa mga anay. Punyeta! ‘Wag naman puro pangako! Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

Sampolan mo rin Sec. Sarmiento Sir sina SPO3 Gener “Paknoy” Presnedi ng Manila police at SPO2 Roberto “Obet” Chua, ng CIDG. Sina Presnedi at Chua ang nasa likod ng malawak na horse-racing bookies sa Maynila. Si Chua rin ang tumatayong tong kolektor ng Field Office ng CIDG sa Maynila at maging sa iba pang unit sa Camp Crame. Punyeta! Hanggang kailan ang buwenas nina Presnedi at Chua?

At alamin din ni Sarmiento itong umuugong na balita na may mga tong collectors na madalas magmiting para bumuo ng grupo at ipangolekta ang opisina niya sa illegal gambling nationwide? Punyeta! Magsitigil kayo! Abangan!

ACIRC

ANG

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CHUA

GAMBLING

LANG

MGA

PISKAL

PUNYETA

SARMIENTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with