^

Punto Mo

‘Ang handa sa birthday’

- Tony Calvento - Pang-masa

AKALA namin kainan ang aming pupuntahan dahil may birthday nang hanapin namin ang handa kami pala yung papapakin.

“Umawat kami sa mga nag-aaway. Ilang segundo lang kami na ang pinagbalingan nila,” ayon kay Jayson.

Ika-30 Agosto 2015 bandang alas diyes ng gabi nang bigla na lang mapaaway sina Mark Jayson Basco. Kasama niya nun ang pinsan na si Joemer Linga.

Susunduin dapat nina Joemer ang kanyang girlfriend sa isang birthday party sa Novaliches, Quezon City. Nagulat na lang siya ng biglang may sumampal dito.

Ilang sandali pa ang nakalipas inaway na ang kanyang girlfriend ng mga babaeng nandun. Dali-dali silang lumapit sa mga nagkakagulo.

Kitang-kita nila na sinasampal ng mga babaeng nandun ang girlfriend ni Joemer. Hindi naman ito lumalaban sa mga nananakit sa kanya.

“Umawat kami. Bigla na lang may sumuntok sa pinsan ko,” ayon kay Jayson.

Sa halip na matigil ang gulo sila pa ang ginulpi ng mga taong nakapaligid.

May ilang mga kalalakihan ang nakisali at pinagsusuntok na sila. Ang iba tinatadyakan sila.

“Nung una ang bumugbog sa akin anim kay Joemer naman apat. Hindi ko na sila mabilang dahil may ibang nakialam sa gulo,” pahayag ni Jayson.

Nagmukha daw silang magnanakaw na kinuyog ng mga tao. Tinadyakan, sinuntok, pinagbabato at hinagisan pa ng paso.

Nang makaalis sila sa lugar at mahinto ang kaguluhan agad silang dumiretso sa barangay para magpa-blotter.

Inireklamo nina Jayson at Joemer sina Raymond Mancao, Mark Anthony Mancao, Vergel Pine at Jayson Orendain na nakilala nilang nanakit sa kanila.

“Selos pala ang pinag-ugatan ng gulo. Ex-boyfriend ng girlfriend ng pinsan ko ang may birthday,” salaysay ni Jayson.

Nang makita daw ng kasalukuyang girlfriend ng may birthday ang pinsan ko at ang girlfriend ni Joemer nagselos ito.

Dinala si Jayson sa isang gate at dun sa loob siya binugbog ng husto. Nakita din daw ni Joemer na may hawak na patalim, tubo at paso ang mga kalalakihang halinhinang umuunday ng suntok kay Jayson.

Nagpunta din sila sa Quezon City General Hospital upang magpasuri.

‘Laceration, upper lip at abrasion infra orbital area, bilateral’ ang nakitang pinsala kay Jayson. Kay Joemer naman ay ‘6x2 Contusion hematoma, left infra orbital area at Abrasion flank infra orbital area’.

“Nagharap kami sa barangay pero hindi naman kami nagkaayos. Desidido kaming sampahan ng kaso ang mga bumugbog sa amin,” wika ni Jayson.

Umawat lang naman sila pero sila pa itong napuruhan sa kagustuhang matigil ang gulo.

Sa susunod nilang pagpunta sa barangay sa Oktubre 7, 2015 ay ibibigay na daw sa kanila ang Certificate to File Action (CFA).

Humingi ng tulong sa amin ang ina ni Jayson na si Mary Ann Basco upang malaman kung ano ang susunod nilang gagawin para masampahan ng kaso ang mga nanakit sa kanyang anak at pamangkin.

Bente uno at bente dos anyos lang sina Jayson at Joemer. Wala silang intensiyon na makipag-away at nataon lang na gusto nilang alisin ang babae sa kinasuungang gulo.

“Gusto naming maiakyat ang kasong ito pero wala kaming abogado at hindi namin alam kung saan kami dapat lumapit,” ayon kay Mary Ann.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kapag nakuha na ninyo ang CFA dapat dumiretso na kayo sa Public Attorney’s Office (PAO) at magbigay sila ng salaysay.

Ang ‘medico legal report’ ang magsisilbing basehan kung gaano kabigat ang kasong ‘Physical Injuries’ kung ito ay SLIGHT, LESS SERIOUS O SERIOUS na isasampa laban sa mga akusado.

Para mas tumibay ang kasong kanilang isasampa kumuha ihanda nila ang kanilang testigo para magbigay ng salaysay kung paano nagsimula ang gulo at kung sino ang nanakit sa kanila.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

ALIGN

ANG

FILE ACTION

JAYSON

JOEMER

LEFT

MGA

QUOT

STRONG

UMAWAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with