^

Punto Mo

Lalaki na nawalan ng ari dahil sa car accident noong bata pa, ipinagtapat lamang iyon sa kanyang asawa sa gabi ng kanilang honeymoon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ANIM na taong gulang si Mohammed Abad nang maaksidenteng masagasaan at makaladkad ng kotse na naging dahilan para mawala ang kanyang ari. Naputol ang kanyang ari at yagbols sa pangyayari. Nangyari iyon noong 1978. Dahil sa pagkawala ng kanyang ari, nilagyan siya ng mga doktor ng isang fleshy tube para makaihi.

Ang magandang balita, malapit nang magkaroon ng kakaibang ari si Mohammed. Isang walong pulgadang ari ang ikinabit sa kanya ng mga doktor at maaari na siyang maki-pagtalik at magkaanak. Tumagal ng 35 taon ang paghihintay ni Mohammed para magkaroon ng ari na maituturing na kauna-unahan sa mundo. Sumailalim sa iba’t ibang operas­yon si Mohammed para maisagawa ang kanyang kakaibang ari. Ang “bionic manhood” ay may “on” and “off” buttons. Maari siyang mag-ejaculate at makabuntis ng babae.

Ang hindi magandang balita ay hindi na magagamit ni Mohammed ang kanyang “bionic” na ari sa kanyang asawa dahil iniwan na siya nito. Hindi na nakapaghintay ang kanyang asawa na mag-fully function ang bionic na ari. Inip na inip na kasi siya. At isa pa, lumalabas na niloko siya ni Mohammed.

Nagpakasal si Mohammed at kanyang asawa noong 2013. Subalit walang sinabi si Mohammed sa asawa ukol sa kan­yang kalagayan. Nagtapat lamang ito sa mismong gabi ng kanilang honeymoon. Ganoon na lamang ang pagkagimbal ng asawa ni Mohammed. Bakit hindi ito nagtapat sa totoong nangyari.

Humingi ng tawad si Mohammed sa asawa. Ayon kay Mohammed, umiyak siya sa harap ng asawa. Magdamag siyang gising at umiiyak.

Sabi ng kanyang asawa, hihintayin niyang masolb ni Mohammed ang problema. Bibigyan daw siya nito ng pagkakataon.

Subalit hindi na nga nakapaghintay ang kanyang asawa at naunawaan naman ito ni Mohammed. “Nangangailangan’’ din daw ang kanyang asawa. “Nauuhaw’ din ang kanyang asawa at kailangang matighaw iyon. Isa pa nahihiya rin daw ang kanyang asawa sapagkat marami ang nagtatanong kung bakit hindi pa ito nabubuntis.

“Sa aming kultura, kapag ang isang babae ay hindi pa nabuntis makaraan ang tatlong buwan pagkaraang ikasal, marami nang tao ang nagtatanong. Marami na ang nagtataka kung bakit hindi pa nabubuntis,” sabi ni Mohammed.

Sa kasalukuyan, hinihintay ni Mohammed na maging fully ope­rational ang kanyang bionic na ari.

Ang proble­ma lamang ay kung kanino niya gagamitin ang kanyang walong pulgadang ‘‘bio­nic’’ na ari. Pero madali na raw iyong masosolb.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARI

ASAWA

AYON

BAKIT

HINDI

KANYANG

MOHAMMED

MOHAMMED ABAD

SUBALIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with