^

Punto Mo

No garage, no registration policy, umubra kaya

Gus Abelgas - Pang-masa

Para umano maibsan ang matinding trapik sa Metro Ma­nila dulot ng napakarami ng mga sasakyan sa lansangan parti­kular sa Metro Manila, ipinanukala ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) na ga-wing na requirement ang pagkakaroon ng sariling garahe bago mairehistro ang kanilang sasakyan.

Sa isang banda ay masasabing maganda ang ganitong panukala dahil sa totoo nga naman parami nang parami ang bumabaybay na sasakyan sa mga lansangan sa araw- araw pero hindi naman nadadagdagan ang kalye kaya patuloy ang pagsisikip ng trapiko. At dahil walang garahe ang maraming car owners, ang siste ang kalsada ang ginagawang paradahan na ugat nga sa pagsisikip ng trapik.

Sagabal sa mga daan. May ilang mambabatas na rin ang nagpahayag ng suporta at nagsusulong sa ganitong panukala.

Sakaling maipatupad ang mga car distributor ang may papel dito. Dapat daw na matiyak kung may sariling garahe ang bibili dahil hindi ito marerehistro kung wala.
Ang monitoring dito ang nakikitang magkakaroon ng problema. Siyempre pangunahing gusto ng mga distributor ay makapagbenta sila bakit nga naman nila ipagkakait ito sa kanilang mga kostumer,  na kikita pa sila, dito na papasok ang mga paraparaan. Hindi pa rin makakatiyak nang husto kung may garahe nga ang kanilang mga kostumer o kung meron man.

Siyempre pa sa LTO naman pagkaabalahan pa kayang alamin ng mga ito kung may garahe nga o wala ang ipinaparehistro sa kanilang sasakyan.

Dapat munang sumailalim ito sa masusing pag aaral dahil malamang humantong pa ito sa mga kasuhan. Malamang na lumutang na pagkwestyon dito na pagkakait sa kanila na bumili at magkaroon ng sariling sasakyan.

Mahaba pang argumento ito kaya nga mas makakabuting ang pagtuunan muna ng pansin ay ang mawalis angga sagabal sa daan.
Biruin ba namang pati kalsada ay ariin na nila para doon igarahe ang kanilang mga sasakyan. Sa ilang lugar meron talagang makakapal nilalagyan pa ng reserve parking eh kalsada nga iyon.
Sa ilang lugar naman kalsada ginagawang basketball court pagay dumaan na sasakyan sila pa ang nagagalit.
Kaya nga siguro hindi malutas lutas na mapaluwag ang mga lansangan eh dahil marami talaga ang walang disiplina , mga pasaway at walang pakilaalam.
Hindi lang yan sa mga indibiduwal kundi maging sa mga may negosyo na ang kalsada ang ginagawang parking space ng kanilang mga kostumer.
Sa papalapit na holiday season lalung titindi ang pagsisikip sa mga lansangan dahil dadagdag dito ang mga illegal vendors na kalsada din ang gagamitin sa kanilang pagtitinda kaya nga kailangan siguro ang kamayna bakal para mabantayan ang mga lansangan sa anumang mga sagabal.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAPAT

HIGHWAY PATROL GROUP

KANILANG

METRO MA

METRO MANILA

MGA

NGA

SASAKYAN

SIYEMPRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with