^

Punto Mo

Lalaking bulag, muling nakakita nang i-implant ang ngipin sa kanyang mata!

- Arnel Medina - Pang-masa

BULAG ang kaliwang mata ni Martin Jones, 42, construction worker ng Rotherham, South Yorkshire. Nabulag iyon dahil sa isang aksidente sa trabaho sa scrapyard, 10 taon na ang nakalilipas. Mula noon, hindi na umasa pa si Jones na makakakita ang kaliwang mata.

Subalit biglang nabago ang paniniwala ni Jones dahil sa isang kagila-gilalas na operasyon na isinagawa sa kanya. Unang pagkakataon na nangyari sa larangan ng medisina. Muling nakakita si Jones nang i-iimplant ang bahagi ng kanyang ngipin sa bulag niyang mata. Mahirap paniwalaan pero totoo. Naging maliwanag ang paningin ng kaliwang mata ni Jones.

Gumamit ang surgeon ng segment ng ngipin ni Jones bilang holder ng bagong lens ng mata na kinuha (grafted) sa balat mismo ni Jones.

Iyon ang kauna-unahan at makabagong operasyon na isinagawa ng Sussex Eye Clinic sa Brighton at si Jones ang unang pasyente.

Sa procedure, kinuha muna ang section ng ngipin ni Jones, inayos ang shape nito, hanggang sa maging hugis ng lens. Pagkaraan ay ini-implant na iyon sa ilalim ng eyelid.
Tagumpay ang operasyon.

Nakita rin sa wakas ni Jones ang kanyang misis na si Gill pagkaraan ng apat na taon mula nang sila ay ikasal.

vuukle comment

ANG

BRIGHTON

GUMAMIT

IYON

JONES

MAHIRAP

MARTIN JONES

MULA

NABULAG

SOUTH YORKSHIRE

SUSSEX EYE CLINIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with