^

Punto Mo

Nangawit ang likod sa pagkakatulog

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

LAGI bang masakit ang inyong likod kahit pagkagising pa lamang sa umaga?

Maaaring ang iba sa inyo ay nakatulog lamang sa isang posisyon sa buong magdamag kaya nangawit ang likod. O baka naman sobra nang lambot ang hinihigaan n’yong kutson (na halos lumubog ka na) kung kaya’t wala na itong kakayahang suportahan ang iyong likod.

Kapag bumisita tayo sa tindahan ng mga kama, tiyak na babanggitin sa inyo ang orthopedic bed. Ito na ang karaniwang kamang ginagamit ngayon sa mga hotel at bahay. May konting lambot ito pero mararamdaman na firm ang suportang ibinibigay ng higaan. Kung madalas nang makaramdam ng pananakit ng likod gamit ang luma n’yong kama, baka panahon na upang palitan ito ng isang orthopedic bed. Kailangan kasing napananatili natin ang tamang curvature ng spine (gulugod) kahit tayo ay nakahiga. Hindi at malambot ang kama ay mabuti na ito para sa ating likod.

May mga nagrereklamo rin ng pananakit ng likod dulot ng pagbubuhat ng mga bagay na mabigat. Ano kaya ang tamang posture upang hindi maging gastado ang ating likod? Heto ang ilang tips na maibibigay ko:

Mas mainam ang kama na medyo matigas kaysa sa sobrang lambot na kutson o water bed (sabagay, bibihira lamang ang waterbed sa Pilipinas). May wisdom din ang mga ilang matatanda na mas gusto pang matulog sa sahig kaysa sa kamang malalambot.

Mas maiging matulog nang nakatihaya at nakaunat ang likod

Kung nakatihaya man, maglagay ng binilot na tuwalya sa lower back upang masuportahan ito. O kaya naman ay maglagay ng isang unan sa ilalim ng inyong alak-alakan. Sa gayong paraan, mapapanatili ang tamang kurba sa dakong lower back.

Kung nakatagilid natulog, maglagay ng isang unan sa pagitan ng mga tuhod

Kung nakadapang matulog at kumportable naman dito, okey lang ‘yun. Pero kung mananakit ang leeg, iwasan ang ganitong posisyon.

Kung babangon mula sa pagkakahiga, tumagilid malapit sa gilid ng kama at baliin ang dalawang tuhod. Unahing ihulog sa gilid  ng kama ang dalawang paa bago itaas ang katawan na paupo. Iposisyon ang paa katapat ng inyong puwit bago tuluyang tumayo. Sa pagtayo, muli’y panatilihin ang likod na nasa neutral position.

Ilapit sa katawan ang bagay na bubuhatin, kahit magaan lang ito

Panatilihing nasa neutral position ang lower back at nakaunat naman ang upper back.

Huwag magbubuhat na ang puwersa ay nasa balakang.

Baliin ang magkabilang tuhod at hayaang ang mga braso at hita ang magbigay ng puwersa. Patigasin ang mga masel sa dakong puwit at tiyan para lalong masuportahan ang likod.

Huwag magbubuhat nang mabigat na bagay na mas mataas pa sa balikat.

Kung kailangang lumiko o mag-iba ng direksyon habang nagbubuhat, unahing iliko ang mga paa bago isunod ang likod. Huwag uunahin ang likod.

ANG

ANO

BALIIN

HETO

HUWAG

ILAPIT

IPOSISYON

ITO

KUNG

LIKOD

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with