‘Kaya pa kung gugustuhin…’
“Wala ka bang napapansin sa ating kapaligiran kay dumi ng hangin pati mga ilog natin? Hindi masama ang pag-unlad at malayo na ang ating narating. Ngunit masdam mo ang tubig sa dagat dati’y kulay asul ngayon ay itim. Ang mga duming ating ikinalat sa hangin sa langit huwag nating paabutin…”
Mga titik mula sa awit na pinasikat ng grupong ASIN na hinsdi masyadong pinansin ang mensahe na ngayon ay minumulto tayo at prinoproblema.
Tulad ng buga ng mga tambutso ng mga sasakyan wala kang kalaban-laban na unti-unti na nitong sinisira ang kalikasan at ma-ging ang iyong katawan.
“Nung masinghot ko ang usok at sumakit ang dibdib ko dun ako nagising na malaki ang problema natin sa ating kalikasan. Nag-isip na ako ng paraan para makatulong,” wika ni Heinrich.
‘Bachelor of Science in Marine Engineering’ ang kursong natapos ni Heinrich Bais na nakatira sa isa sa mga ginawa ng kilalang developer na Property Company of Friends Inc. (PRO-FRIENDS). Ito ay ang Parc Regency Residences sa Pavia, Iloilo.
Kwento ni Heinrich sila ang buhay ng barko. Ang tulad niya ang nagpapatakbo ng mga ito.
Ang pinoproduce na usok ng makina ay nakakaapekto sa kapaligiran. Ang isang litro ng gasolina ay nakakapaglabas ng 2.35 kgs na ‘carbon dioxide’ na alam nating isa sa pinoproblema natin dahil nakakasira ito sa kalusugan at kapaligiran.
Kwento niya noong nag-aaral pa siya taong 2002 tumayo siya sa gitna ng maraming tao sa Iloilo para maghintay ng sasakyan. Nasinghot niya ang lahat ng usok at dun niya napagtanto na malaki ang problema sa ating kapaligiran.
“Sumakit ang dibdib ko nang masingkot ko ang usok. Dun ko napag-isip isip na kailangang masolusyunan yung ganitong klaseng problema. Ang usok ang nagbibigay ng malaking polusyon sa atin,” sabi ni Heinrich.
Ang pangyayaring ito ang nagpabago ng kanyang kaisipan. Nagsimula siyang magsaliksik kung ano ang dahilan bakit mausok ang mga sasakyan.
Napag-alaman niyang ang sanhi nito ay yung ‘fossil fuel’ na ginagamit. Ang krudong naglalabas ng enerhiya. Hindi nga lamang ito pwedeng tanggalin sapagkat ito ang nagpapatakbo sa ating ekonomiya.
“Magugutom tayo kapag tinanggal yun. Ang iniisip ko ay solusyon para maalis yung carbon dioxide na inilalabas ng gasolina,” pahayag ni Heinrich.
Naniniwala si Heinrich na kapag sinimulan mo sa sarili mo ang pagbabago may maitutulong ka para sa kalikasan. Una niyang ginawa ay minahal at pinahalagahan niya ang kapaligiran. Kung ano ang sa tingin niyang makakasira dito ay tinatanggal niya.
Isa na sa mga ito ay ang basurang nakakalat sa paligid. Paglinis ng sariling basura at paghihiwa-hiwalay nito ang naisip niyang pwedeng makatulong. Hindi daw ito dapat itapon kung saan lang tulad ng walang lamang bote ng mineral water. Gawing basurahan ang mga bote na nakakabit sa katawan sa halip na itapon na lang sa kalye.
Kapag may nakita ka namang basura kahit hindi sa ‘yo dapat pinupulot para maiwasan ang pagdami nito.
Sa kanyang tinitirhan na gawa ng PRO-FRIENDS ay maayos, maganda at tahimik naman ang kapaligiran.
Nakipag-usap din kami kay Randy Demavivas, representative mula sa Village Administration ng Parc Regency Residences. Tinanong namin siya kung ano ang ginagawa nilang kontribusyon para sa pagprotekta sa ating kapaligiran.
“Marami kaming mga aktibidad at proyekto para sa ating kapaligiran. Una na rito ang tree planting activities sa iba’t-ibang lugar. Nagkaroon din kami ng waste management segregation na kalahok ang ating mga homeowners,” salaysay ni Randy.
May kakaiba din daw katangian ang Parc Regency ito ay ang pagkakaroon ng ‘Linear Park’. Ito yung malawak na espasyo sa likod ng bahay na may puno kung saan pwedeng magpahinga ang mga homeowners. Marami pa daw silang mga susunod na gagawin para makatulong sa ating kalikasan.
Tungkol naman sa mga basurang nakakalat meron din silang programa dito sa tulong na din ng bawat homeowner. Sila dapat ang responsable sa kanilang mga basura at kinakailangang malinis ang harapan ng kanilang tahanan. Ito ang ipinatutupad nila sa subdibisyon.
Kusa naman daw sinusunod ng mga nakatira doon ang kanilang ipinatutupad. Nagtutulungan din daw ang mga homeowners. Isang halimbawa na lang kapag may basura ang isa at wala siya sa kanila ang kapitbahay ang kumukuha nito para itapon.
Sa paghihiwa-hiwalay ng basura may mga pinapapasok sila na mga taong pwedeng mamili ng mga bote at lumang dyaryo dahil ilan sa mga homeowners ay ibinibenta ito.
“Hinihikayat namin ang mga homeowners na hindi lang basta tapon ng tapon lalo na sa mga bagay na pwede pang mapakinabangan,” sabi ni Randy.
Ang payo din ni Randy sa lahat dapat tayo mismo ang umasikaso ng ating mga basura. May kasabihan nga tayo na kapag tinapon mo ang basura babalik rin ‘yan sa atin.
“Sa aming komunidad sinisigurado namin na napapatupad namin at nahihkayat ang lahat ng homeowners na dapat kung basura mo ikaw ang luminis nito,” ayon kay Randy.
Iisang komunidad lang sila at kapag marumi ang kapaligiran sasalamin ito sa kanila bilang tao. Gawin na rin daw nating kaugalian na itapon sa tamang lugar ang mga kalat sa paligid.
Isa ang PRO-FRIENDS sa mga developer na maingay ang pangalan sa kanilang larangan. Maganda ang isinusulong nila na makakatulong sa ating kapaligiran at upang mabawasan man lang ang pagdagdag ng mga basurang nakakasira sa ating kalikasan.
Ang kalikasan ang nagbibigay sa atin ng buhay kaya’t dapat natin silang mahalin, pangalagaan at pahalagahan.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
- Latest