^

Punto Mo

EDITORYAL - Riding-in-tandem, sumasalakaypero wala pa ring pulis sa kalye

Pang-masa

NANG maupo sa puwesto si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ricardo Marquez noong Hulyo 16, 2015, nagtalumpati siya at nangakong makikita na ang mga pulis sa kalye para maproteksiyunan ang mamamayan sa oras ng panganib. Sabi ni General Marquez:

“Ang pangunahing isyu na dapat harapin ng kapulisan ay crime prevention o paghadlang sa krimen. While we have developed the methodology to deliberately reduce crime, as evidenced by the decreasing trend in crime statistics in certain areas, the reality is that the fear of crime remains in the hearts of our citizens especially our mothers.

Naroroon pa rin ang takot at agam-agam ng mga magulang tuwing umaalis ng bahay ang kanilang mga mahal sa buhay. Ito ang nais nating baguhin. Gusto nating masiguro na bawa’t anak, kapatid, o kasambahay ay ligtas sa kapahamakan at makakabalik na ng maayos sa kani-kanilang tahanan.

We have tried several crime prevention measures in the past without much success. I believe it is high time to go back to the basics of policing and institutionalize the implementation of patrolling nationwide.

Ako’y naniniwala na ang pagpapatrulya ng kapulisan sa mga komunidad ay nagdudulot ng maraming benepisyo.”

Pero mahigit dalawang buwan na ang PNP chief sa puwesto ay bihira o wala pa rin halos nakikitang pulis na nagpapatrulya sa mga lansangan lalo na sa dis-oras ng gabi. Mangilan-ngilan lamang ang makikitang patrol car na yumayaot sa mga matataong lugar. Mangilan-ngilan din ang mga pulis na naglalagay ng checkpoint at inilalagay pa nila ito sa lugar na maaaring makaiwas ang mga masasamang loob. Walang pulis na makikita sa paligid o sa paanan ng footbridge na karaniwang tinatambayan ng mga holdaper o snatcher at nag-aabang nang mabibiktima.

Sumasalakay ang riding-in-tandem. Wala nang takot. Noong Lunes ng gabi, isang DZMM anchor at kanyang pamilya ang muntik nang mabiktima ng riding-in-tandem sa tapat mismo ng kanilang bahay. Maski ang mga customer sa restaurant ay binibiktima na rin ng riding-in-tandem. Papasok sa restaurant ang mga kawatan at tututukan ng baril ang customer at kukunin ang bag. Walang anumang tumatakas ang riding-in-tandem.

Walang pulis na nakakaresponde. Walang police visibility. Kawawa ang mamamayan sa mga kawatan.

ANG

DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

GENERAL MARQUEZ

HULYO

ITO

KAWAWA

MANGILAN

MGA

NOONG LUNES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

WALANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with