^

Punto Mo

122-anyos na lola, ipinagmalaki ang paninigarilyo, pag-inom ng alak at pagkain ng chocolate kaya mahaba ang buhay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IBA’T IBA ang sinasabing dahilan ng mga matatanda   kaya umabot sila sa ganoong kahabang buhay. May nagsabing dahil hindi sila nag-iisip sa problema, lagi silang kumakain ng gulay, lagi silang tumatawa at laging malinis sa katawan.

Pero iba ang sinabing dahilan ng isang matandang babae sa France kaya naging mahaba ang buhay. Dahil daw sa paninigarilyo, pag-inom ng alak at pagkain ng chocolate ang sekreto ng kanyang mahabang buhay.

Si Jeanne Louise Calment ay isinilang noong Peb. 21, 1875. Halos kasabayan niya nang maimbento ang telepono ni Alexander Graham Bell. Nakita rin daw niya ng personal ang Dutch artist na si Vincent Van Gogg at nakita rin daw niya kung paano ginawa ang Eifel Tower.

Pero ang isa sa sinabing sekreto ng kanyang mahabang buhay at pagiging fresh ng kanyang kutis ay ang diet na may kasamang olive oil. Dahil daw sa olive oil kaya nananatiling bata ang kanyang anyo. Binanggit din ni Calment  na mahilig siya sa fencing at mahusay din siyang mag-bike.

Ayon pa kay Calment, nanigarilyo siya sa edad na 21 at nagtuluy-tuloy hanggang sa umabot siya sa edad na 117. Umiinom daw siya ng alak araw-araw at kumakain ng isang kilong chocolate bawat linggo. Hindi raw kumpleto ang kanyang araw kung wala ang kanyang mga paborito.

Masaya rin ang buhay-may-asawa ni Calment na ayon sa kanya’y isa rin sa dahilan nang mahaba niyang buhay.

Sa buong buhay niya ay hindi siya nagkaroon nang matinding karamdaman. Malusog na malusog siya.

vuukle comment

ALEXANDER GRAHAM BELL

ANG

AYON

BINANGGIT

BUHAY

CALMENT

DAHIL

EIFEL TOWER

PERO

SI JEANNE LOUISE CALMENT

VINCENT VAN GOGG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with