^

Punto Mo

EDITORYAL - HPG, italaga na rin sa iba pang matrapik na kalsada

Pang-masa

MAY improvement na ang trapik sa ilang bahagi sa EDSA. Lumuwag na ang trapik sa tapat ng Trinoma Mall dahil sa mahusay na pagdi-direct ng Highway Patrol Group (HPG) at pagsasara ng ilang U-turn slots doon. Dahil sa pagsasara ng U-turn slots, tuluy-tuloy na mga sasakyan at wala nang sagabal na kumakain sa halos buong portion ng North EDSA.

Nakatulong din ang pagwalis sa mga vendor sa magkabilang gilid ng kalsada na halos kainin na ang dinadaanan ng mga tao. Lumuwag ang tapat ng Balintawak Market dahil nawala ang mga pasaway na vendor. Halos lamunin ng illegal vendors ang portion ng EDSA kaya hindi makadaan ang mga sasakyan at pati na mga tao. Ang resulta, buhul-buhol na trapik na ang buntot ay nasa NLEX. Ngayon ay wala na ang pasaway na illegal vendors dahil araw-araw na nakabantay ang HPG doon.

Pero kung may improvement ang trapik sa EDSA, kalbaryo naman ang trapik sa iba pang mga kalsada sa Metro Manila. Naging inutil na ang mga local traffic enforcers na wala nang ginawa kundi abangan ang mga nagba-violate na motorista at kokotongan. Sa halip na isaayos ang trapik, ang pangongotong ang inasikaso ng mga “buwayang” traffic enforcers ng city hall.

Sa España Blvd. corner Morayta, grabeng trapik ang nararanasan dahil sa kawalan ng disiplina ng mga bus,  jeepney at UV Express drivers na nagbababa  ng pasahero sa gitna ng kalye. Walang makitang MTPB enforcers sa lugar para maisaayos ang trapik. Maski ang Quezon Blvd.-Quiapo ay buhul-buhol din ang trapik at inutil ang MTPB na mas inuuna ang paghuli sa mga drayber para kotongan. Sa tapat ng Manila City Hall ay labu-labo na ang mga sasakyan. Sa mga unang taon lang ni Mayor Erap Estrada lumuwag ang trapik pero ngayon, balik na uli sa dati. Nakaabang lang ang mga buwayang MTPB doon.

Marami pang lugar sa Metro ang kalbaryo ang trapik na masahol pa sa EDSA. Mas mabuti kung i-deploy na rin ang HPG sa mga lugar na matrapik para maisaayos at nang maitaboy din ang mga local na “buwayang” traffic enforcers.

vuukle comment

ANG

BALINTAWAK MARKET

HIGHWAY PATROL GROUP

LUMUWAG

MANILA CITY HALL

MAYOR ERAP ESTRADA

METRO MANILA

MGA

QUEZON BLVD

SA ESPA

TRAPIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with