Whiskey na dinala sa kalawakan sa loob ng 4 na taon, mas lalong sumarap ang lasa
NAGKAROON ng eksperimento para matesting kung ano ang magiging lasa ng whiskey na dinala sa space station at pinanatili roon ng apat na taon.
Isang vial ng whiskey na produced ng Ardberg Distillery sa Islay, Scotland ang pinadala sa International Space Station (ISS) noong Oktubre 2011. Ang ikalawang vial ng whiskey ay itinago naman sa distillery.
Layon ng eksperimento na malaman kung ano ang mangyayari o magiging lasa ng alak habang nasa weightless environment.
Makaraang manatili nang mahigit 1,000 araw sa kalawakan ang whiskey, ibinalik ito sa daigdig at ganoon na lamang ang pagkagulat nang expert tasters. Kakaiba ang amoy at lasa ng space whiskey.
“Nang amuyin ko ang space whiskey, kakaiba ito at mas masarap kaysa dating smoky flavor na produce ng Ardberg’s. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong lasa ng whiskey,” sabi ni Dr. Bill Lumsden, distillery director ng Ardberg’s. Sabi pa ni Lumsden, kagigiliwan ng mga consumer ang space whiskey sa darating na panahon.
- Latest