Ang Ex-convict sa White House
SI Mary Prince ay isang African-American na nasentensiyahan ng habambuhay na pagkakulong sa salang pagpatay. Noong 1970 ay nagpunta siya sa isang maliit na bayan sa Georgia para bisitahin ang isang babaeng kaibigan. Habang siya ay nasa lugar na nabanggit, isang lalaki ang natagpuang patay na nakilalang boyfriend ng kanyang kaibigan. Nang mangyari ang patayan ay siya lang ang nag-iisang “bagong mukha” sa lugar kaya nagkaroon ng iisang konklusyon ang mga tao na siya ang pumatay.
Noong unang bahagi ng 70’s, uso sa Georgia na ipasok na maid sa mga pulitiko ang mga presong babae na nagpakita ng kagandahang asal sa kulungan. Ang kasalukuyang governor noon ay nangailangan ng yaya para sa kanyang tatlong taong gulang na anak, si Amy, anak ni Jimmy Carter. Kung ikaw ang ina ng bata, ipagkakatiwala mo ba ang iyong anak sa isang preso na ang kaso ay “murder”? Walang alinlangan na tinanggap ni Rosalyn si Mary dahil malawak ang experience nito sa pag-aalaga ng bata bago pa man ito makulong. Naging magaling na yaya si Mary kay Amy kaya noong naging Presidente si Jimmy Carter, nagprisinta itong maging parole officer ni Mary upang legal na maisama nila ang yaya hanggang White House.
Ayon kay Mary, nagpapasalamat siya sa pamilya Carter dahil ang mga ito ang nagturo sa kanya tungkol sa pananampalataya sa Diyos. Naranasan din niyang isama ng pamilya sa abroad. Kapag itinatanong ng mga tao kung ano siya ng pamilya, ang isasagot ay “kaibigan siya ng pamilya”. Never siyang ipakilala na isang utusan.
Nalaman ni Jimmy Carter na biktima lang ng maling bintang si Mary kaya pinabuksan muli niya ang kaso ni Mary. Nagkaroon ulit ng panibagong imbestigasyon hanggang sa napatunayan sa korte na wala itong kasalanan. Bago natapos ang termino ni Carter, si Mary Prince ay idineklara ng korte na walang kasalanan. Noong 2011, naikuwento ni Jimmy Carter sa mga reporter na pati ang kanyang mga apo sa tuhod ay dumaan sa mabuting pangangalaga ni Mary Prince, ang ex-convict na naging residente ng White House.
- Latest