^

Punto Mo

EDITORYAL – PO2 Ryan Cabansag: Dapat pamarisan

Pang-masa

MARAMING pulis ngayon ang nasasangkot sa mga illegal na gawain. May mga pulis na sangkot sa pagtutulak ng shabu, pangingidnap, panghuhulidap, pangongotong, gunrunner, pangsa-salvage, pangto-torture at marami pang iba na nagpababa sa imahe ng Philippine National Police (PNP). Mababa ang tingin ng mamamayan sa mga pulis. Masulyapan lamang ang asul na uniporme ng mga pulis, ay iba na agad ang kanilang naiisip. May mga tao na natatakot humingi ng tulong sa mga pulis sapagkat mas lalo raw silang mahuhulog sa panganib.

Subalit sa tumpok ng mga bugok na pulis, mayroon pang natitirang mabuti at handang isugal ang buhay para maprotektahan at maipagtanggol ang mamamayan. Mayroon pa ring tapat sa tungkulin at handang tuparin ang sinumpaan na paglilingkuran ang kapwa sa oras ng panganib.

Kagaya ni PO2 Ryan Cabansag, 31, nakatalaga sa Headquarters Support Service sa Camp Crame. Hinarap ni Cabansag ang tatlong holdaper ng bus noong Linggo ng gabi at napatay niya ang dalawa. Nakatakas ang isa pa. Naganap ang panghoholdap habang binabagtas ng Del Carmen bus na biyaheng Bocaue, Bulacan ang northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX). Ayon sa mga awtoridad, paglampas ng Balintawak Toll Plaza ay nagdeklara ng holdap ang tatlong lalaki na armado ng baril. Hindi nasiraan ng loob si Cabansag at nagpakilalang pulis sa mga holdaper subalit sa halip na magbaba ng armas, pinaputukan ang pulis. Gumanti si Cabansag at napuruhan ang dalawang holdaper. Nakatakas naman ang isa pa. Ayon pa sa report, kasama ni Cabansag sa bus ang kanyang pamilya nang maganap ang insidente.

Kahanga-hanga ang ipinakitang tapang ni Cabansag para maprotektahan ang mga pasahero sa mga kawatan. Isinugal niya ang buhay sa pagkakataong iyon. Dapat siyang bigyan ng parangal at itaas ng ranggo. Bihira na ang mga pulis na buo ang loob sa pagharap sa panganib.

Habang ang ibang pulis (maski ang mga opisyal) ay gumagawa ng kasamaan at ang iba pa ang nagpapayaman sa puwesto, narito ang isang pulis na iniumang ang buhay sa panganib para makapaglingkod. Ang mga pulis na gaya ni Cabansag ang dapat pamarisan. Dapat siyang gawaran ng kagitingan. Dangal siya ng PNP.

ANG

AYON

BALINTAWAK TOLL PLAZA

CABANSAG

CAMP CRAME

DAPAT

DEL CARMEN

HEADQUARTERS SUPPORT SERVICE

MGA

NAKATAKAS

PULIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with