^

Punto Mo

Pagbabago pa sa EDSA, ipapatupad

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Eto ha, baka manibago ang maraming motorista na bumabaybay sa EDSA, simula ngayong araw na ito wala na o sarado na ang mga U-turn slots dito na panibagong patakaran na ipapatupad ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) para makatulong sa pagsasaayos sa daloy ng trapiko dito.

Bukod dyan, sisimulan na rin ang ‘no contact apprehension policy’ para hindi na rin makasagabal pa at makadagdag sa problema kapag may nahuling mga lumalabag na motorista.

Kabilang sa  isasarang U-turn slot ay ang nasa bahagi mg Trinoma sa North EDSA na base nga sa ginawang pag-aaral dito nagbi-build up ang trapik.

Kaya nga baka manibago ang marami  kaya dapat araw-araw alamin ang mga bagong patakaran na maaaring ipatupad sa mala-kontrobersiyal na kalsada, ang EDSA.

Patungkol naman sa ‘no contact apprehension policy’, nakapaloob dito na kukunan na lamang ng larawan ng HPG traffic enforcers ang plaka ng mga sasakyang lalabag sa trapiko, sa mga pampublikong sasakyan ang tiket nang pagkahuli ay ipapadala na lamang sa mga kompanya ng mga ito.

Layunin nito na huwag nang makasagabal o magtagal sa daan ang mga mahuhuling lalabag na isa pa rin sa dahilan kaya nagkakatrapik.

Bukas, araw ng Martes naman may panibago uling patakaran na ipapatupad dito, mismong ang Malacañang na ang nag-anunsiyo sa resolusyon ng MMDA kung saan nga hindi na papayagang dumaan sa mga underpass sa EDSA ang mga bus galing probinsiya.

Isa pa, simula rin bukas, alas-6 ng umaga hanggang alas- 10 ng umaga at alas- 5 ng hapon hanggang alas- 10 ng gabi, alinsunod pa rin sa resolusyon ng MMDA ipapatupad ang truck ban.

Pero exempted daw dito young northern truck route.

Sa dami ng mga programang ito, at inaasahan pang mga pagbabago, marahil kung hindi tuluyang malutas eh maibsan man lang ang kalbaryo sa trapiko sa EDSA, eh medyo ok na.

Pero daing naman ng iba, wag lang daw sana ang trapik sa EDSA ang matutukan kundi maging sa iba pang pangunahing lansangan.

Sagot naman ng kinauukulan, isa-isa lang, darating tayo dyan.

Harinawa!

ANG

ATILDE

BUKAS

BUKOD

DITO

HARINAWA

HIGHWAY PATROL GROUP

ISA

KABILANG

MGA

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with