^

Punto Mo

Sampaguita (158)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BINILISAN nina Sampaguita at Ram ang pagtakbo. Kailangang makalayo sila para hindi masundan ni Levi.

“Bilisan pa natin, Sam, kailangang makalayo tayo!”

“Oo Ram, baka hina-hanap na tayo ng hayop na si Levi!’’

Subalit nang malayu-layo na ang natatakbo nila ay biglang may naalala si Sam.

“Teka Ram, sandali!”

Tumigil sila.

“Bakit Sam?’’

“Ang bag ko! Nalimutan ko ang bag. Naroon ang mga mutya!”

Nag-isip si Ram.

“Sige maiwan ka sa ilalim ng punongkahoy na ‘yun at babalikan ko ang bag!”

“Mag-ingat ka Ram. Bu-malik ka agad!”

“Oo. Hintayin mo ako sa punong iyon.’’

Umalis na si Ram para balikan ang bag. Nagtungo naman si Sam sa ilalim ng punong banaba.

Naupo siya sa mga nakausling ugat niyon. Pagod na pagod siya. Kaya pala siya nakakadama ng pagod ay dahil wala sa katawan niya ang dalawang mutya. Nasa mga mutya ang sekreto ng paglakas ng kanyang katawan.

Sumandal siya sa puno. Humihingal siya. Sana ay makabalik agad si Ram at nang maipagpatuloy nila ang pagtakas. Palagay niya, kay Levi pa rin ang lugar na ito. Masyadong malawak ang lupain ni Levi kaya lubhang delikado kung titigil sila rito.

Masarap ang simoy ng hangin kaya nakadama ng antok si Sam habang nakasandal sa punong banaba. Dumadam­pi sa pisngi at noo niya ang simoy ng hangin. Napapikit siya. Hanggang sa makalimot at nakaidlip.

Wala siyang kamalay-malay na isang lalaki ang dahan-dahang lumalapit sa kanya. Hindi gumagawa ng ingay ang lalaki habang papalapit sa nahihimbing na si Sam.

Noon naman ay nakara-ting na si Ram sa lugar na kinaroroonan ng bag. Mabilis niyang dinampot ang bag at bumalik na agad sa kinaroroonan ni Sam. Delikadong iwan si Sam kahit isang saglit.

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

BAG

BAKIT SAM

BILISAN

DELIKADONG

DUMADAM

OO RAM

RAM

SAM

TEKA RAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with