^

Punto Mo

Ang trapik, baha at lubak

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Talagang matinding kalbaryo ang inabot ng libu-libo nating kababayan noong araw ng Martes.

Paano naman kasi, hindi lang matinding trapik, hindi lang sa EDSA kundi sa marami pang pangunahing lansangan ang kanilang sinagupa, kundi maging ang kalbaryo ng baha.

Grabe talaga ang nangyari marami sa ating mga kababayan madaling araw na nakauwi, buti sana kung weekend at marami ang walang pasok kinabukasan, eto weekdays, ang siste pa nga hindi namonitor ng MMDA man lang o ng mga local officials ang nangyayari sa lansangan sa mga oras na yon.

Sana ay nakapagpadala man lang ng mga sasakyan na pwedeng maghatid sa mga na-stranded na pasahero.

Lumilitaw ngayon na hindi lang pala ang matinding trapik ang malaking problema, kundi matindi rin ang suliranin sa mga biglaang pagbaha na lalong nakapagpapabigat sa daloy ng trapiko.

Panahon ni dating MMDA chairman Bayani Fernando  hindi lang ang trapik ang binigyan nila ng programa kundi maging ang flood control.

Hindi lang naman ang MMDA ang dapat na tumutok dito kundi maging ang DPWH.

Nakapagtataka ang mabilis na pagtaas ngayon ng tubig sa kaunting pag-ulan. May ilang lugar na dati ay hindi binabaha ngayon konting ulan lang baha na.

Isama pa rito ang lubak -lubak na kalsada, na nagpapabagal din sa takbo ng trapiko. Ang mga konstruksyon na hindi na matapus-tapos.

Naku, partikular na inirereklamo ng mga motorista ang mala-buwan daw na galaw ng mga sasakyan sa may Macapagal Avenue  dahil sa mga lubak.

Hindi lang pala ang trapik ang dapat na matutukan kundi ang mga pinag-uugatan nito, dapat ay masolusyunan.

Kaya nga nagsanga-sanga na ang problema na lumaki at ngayon ay isang malaking puno na.

ANG

BAYANI FERNANDO

GRABE

HINDI

ISAMA

KAYA

KUNDI

LANG

LUMILITAW

MACAPAGAL AVENUE

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with