^

Punto Mo

EDITORYAL - Dumarami ang biktima ng dengue

Pang-masa

TUMAAS ang bilang ng mga biktima ng dengue sa Baguio City. Ayon sa report, 200 katao na ang nabibiktima sa lungsod. Tumaas ng 400 percent ang dengue cases doon. Sa Ilocos Norte, limang tao na ang namamatay dahil sa dengue. Sa Negros Oriental, marami na rin ang nabiktima. May dengue outbreak na sa Visayas dahil sa lumolobong bilang ng mga biktima.

Ayon sa Department of Health (DOH), ngayong 2015, umabot na sa 25,000 ang nagkaroon ng dengue. Marami rin ang kaso ng dengue sa Metro Manila, Calabarzon area at Central Luzon.

Ilang araw nang bumubuhos ang ulan sa maraming lugar sa Metro Manila at ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA), magpapatuloy pa ito.

Nagbabala ang DOH sa mamamayan na dapat wasakin ang mga posibleng pangitlugan ng mga lamok na nagdadala ng dengue. Itapon ang mga basyong bote at lata, tinapyas na gulong ng sasakyan, mga paso ng halaman at marami pang iba na paboritong tirahan ng mga lamok na tinatawag na Aedes Aegypti. Linisin ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig. Mabilis dumami ang mga lamok at sa isang iglap ay ikakalat nila ang lagim ng dengue. Madaling makikilala ang Aedes Aegypti sapagkat may batik-batik na puti sa katawan at kadalasang sa araw nangangagat.

Karaniwang biktima ng dengue ay mga bata. Sintomas ng dengue ang lagnat, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat (rashes) pananakit ng ulo at kasu-kasuan. Taun-taon ay tumataas ang bilang ng mga nagkaka-dengue. May mga ginawang eksperimento ang pamahalaan kung paano malilipol ang mga lamok. Katulad ng mosquito traps na unang sinubukan sa Bukidnon noong 2010 na napatunayang nabawasan ang kaso ng dengue. Ganundin ang ginawa sa Ballesteros at Claveria sa Cagayan na nabawasan din nang malaki ang dengue cases. Ginawa rin ito sa Catarman, Northern Samar at naging epektibo rin.

Nararapat na paigtingin pa ng DOH ang pagbibigay ng impormasyon sa mamamayan ukol sa dengue na marami na ang nabibiktima. Ituro na rin sa mga estudyante ang pag-iingat sa sakit at paglilinis sa kapaligiran. Kapag maagang naimulat sa kalinisan ang bawat isa, walang mabubuhay na lamok sa pamayanan.

AEDES AEGYPTI

ANG

AYON

BAGUIO CITY

CENTRAL LUZON

DENGUE

DEPARTMENT OF HEALTH

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICE ADMINISTRATION

METRO MANILA

MGA

NORTHERN SAMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with