^

Punto Mo

Tinedyer sa Australia may Kleine-Levin Syndrome: Mahaba kung matulog!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KAKAIBA ang sakit na dinaranas ni Georgia Green ng Adelaide, South Australia. Mayroon siyang Kleine-Levin syndrome kung saan mahaba siya kung matulog. Inaabot ng 10 araw o mahigit pa ang pagtulog. Walang gisingan!

Walang lunas ang dinaranas ni Georgia kaya nahihirapan siya sa kalagayan. Hindi siya makapag-engage sa anumang activities sapagkat maari siyang abutin ng antok at matulog.

Ang Kleine-Levin syndrome ay maaaring umatake kahit anong oras at kahit nasa anong lugar. Walang pinipiling lugar at basta na lamang makararamdam ng grabeng antok at kasunod ang pagtulog.

Ayon kay Georgia, may pagkakataon na 10 araw siyang natutulog. Nararamdaman daw niya na pagiging foggy ang kanyang utak at hindi na niya maalala ang kasunod dahil mahihim­bing na siya.

At kakatwa, ayon kay Georgia na nakararanas din siya ng insomnia at nagki-crave siya sa junk food. Pero ang pinakamalaking problema ni Georgia ay kapag inabutan siya ng pagtulog habang may ginagawang activities sa school o kaya’y kapag may holiday.

Sabi ni Georgia, noon ay isang beses lang sa isang buwan kung makaranas nang mahabang tulog pero nang tumagal, madalas na. At wala naman siyang magawa.

Naniniwala naman siya na magkakaroon ng lunas ang kanyang karamdaman.

vuukle comment

ACIRC

ADELAIDE

ANG

ANG KLEINE-LEVIN

AYON

GEORGIA

GEORGIA GREEN

INAABOT

SIYA

SOUTH AUSTRALIA

WALANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with