^

Punto Mo

Sampaguita (154)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANG ganda-ganda mo talaga, Sam. Katakam-takam! Yummy!’’ Sabi ni Levi na mistulang baliw habang nakatingin kay Sampaguita na naka­upo sa sulok ng kubo. Ang kanyang bag na kinaroroonan ng mga mutya ay nasa d-kalayuan.

“Baliw ka Levi! Baliw ka talaga!’’

“Wala akong pakialam kahit tawagin mong baliw. Basta lahat nang babae si­sirain ko. Lahat kayo ma­la­landi!’’

Hindi nagsalita si Sam. Mahirap makipagtalo sa isang psycho. Madilim na ang nakikita nito. Lahat nang babae ay inaakala niyang malandi at mahilig sa pangangalunya. Masyadong naapektuhan ang kanyang isipan sa nasaksihang pa-ngangaliwa ng kanyang ina. Iyon ang nakatatak sa kanyang isipan at tila mahirap nang mabura pa. Wala nang maaaring makapagpabago sa paniniwalang ang lahat nang babae ay masama at dapat lang patayin.

“Tumayo ka nga Sam baby,” sabi ni Levi.

Pero ayaw kumilos ni Sam.

“Tatayo ka o gusto mong ipalo ko sa’yo ang tukod ng bintana? Tayo!”

Sumunod si Sam. Tumayo siya. Mahirap makipagtalo sa taong ito. Papatayin siya nito!

Hindi na maitago ang ka­hubaran niya na pinagpi-pistahan ngayon ni Levi. Halos kita na ang kaluluwa niya!

“Ganyan ang gusto ko. Di ba sanay ka namang mag­hubad. Nakahubad ka nga sa swimming pool di ba? Puwes, maghuhubad ka ngayon. Hubarin mo ang natitira pang saplot. Hubad!’’

Napalunok si Sam.

Kapag hindi siya sumunod, papatayin siya nito.

“Hubad na sabi!’’

Sumunod si Sam.

Inalis na niya ang punit-punit na damit. Nahulog sa paanan niya. Kasunod niyang inalis ay ang bra.

“Yum! Yum!” Sabi ni Levi.

Pagkatapos ay ang hu-ling saplot. Natigilan siya nang babatakin na ang hu-ling saplot.

“Ano? Hubarin mo na! Hubad na!”

Hinawakan niya ang  garter at dahan-dahang ibi­naba ang saplot.

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

BALIW

HUBAD

HUBARIN

LAHAT

MAHIRAP

SABI

SAM

SHY

SUMUNOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with