^

Punto Mo

EDITORYAL - Sana nga hindi ‘moro-moro’ ang DAP probe kina P-Noy

Pang-masa

MABIGAT ang akusasyon ni Vice President Je-jomar Binay sa Office of the Ombudsman, na isang drama o teleserye ang imbestigasyong isasagawa kay President Noynoy Aquino at Budget Secretary Butch Abad. Wala raw mangyayari sa dramang ito. Kung totoo raw na iimbestigahan ng Ombudsman, dapat sana ay sinuspinde na ang dalawa. Wala aniyang kahahantungan ito at magtatapos sa wala. Ayon pa kay Binay, may sapat namang batayan para imbes­tigahan ang dalawa ukol sa Disbursement Allocation Program (DAP) na una nang dineklara ng Kataas-taasang Hukuman na may paglabag sa Konstitusyon ang ilang probisyon nito. Dagdag pa ni Binay, ang layunin ng Ombudsman ay patayin ang isyu sa DAP at tuluyang makalimutan ng mamamayan sa 2016 na panahon ng eleksiyon. At mabigat ang babala ni Binay na kapag siya ang nahalal na Presidente sa 2016, isusulong niya ang imbestigasyon sa DAP para managot ang mga opisyales na sangkot dito.

Sa mga pahayag ni Binay, ang kredibilidad ng Ombudsman ang nakataya. Nararapat lamang na magkaroon ng imbestigasyon sa DAP at ipakitang hindi “moro-moro” o drama lamang ang isasagawang imbestigasyon laban kina P-Noy at Abad. Isang malaking hamon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang mga pahayag ni Binay na wala ring kapupuntahan ang imbestigasyon at “papatayin” para ganap na malimutan ng mamamayan.

Naniniwala naman kami na magiging patas ang Ombudsman sa pag-iimbestiga sa DAP na kinasasangkutan ng Presidente at Budget Secretary. Gawin ang iniatang na tungkulin at ipakitang walang kinikilingan. Isinusulong ng pamahalaan ang “tuwid na daan” at magiging katawa-tawa kung hindi magkakaroon ng imbestigasyon sa sinasabing katiwalian. Masisira ang tiwala ng publiko kung mayroong makaliligtas na mga “balyena” at ang tanging nahuli ay mga “dilis”. Magiging kahiya-hiya sa paningin ng mamamayan kung ang mga nasa poder ay makaliligtas sa pag-uusig samantalang ang mga kalaban ay nasa kulungan na at nagdurusa.

Ipakitang hindi “moro-moro” o drama lamang ang pag-iimbestiga sa mga sangkot sa pondo ng DAP.

ACIRC

ANG

BINAY

BUDGET SECRETARY

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

DISBURSEMENT ALLOCATION PROGRAM

MGA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->