^

Punto Mo

Mga hayop na sumasabog

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAY mga hayop na sumasabog at nangyayari ito sa iba’t ibang kadahilanan:

Gaya ng nangyari sa isang sperm whale na natagpuan sa dalampasigan sa Taiwan noong 2004. Naa­agnas na ang whale na may sukat na 17 metro (56 feet) at tumitimbang ng 50 tonelada.

Ganoon na lamang ang pagkagulat ng mga tao nang big­lang sumambulat ang whale. Parang putok ng isang bomba na ikinayanig at nakabingi sa mga tao sa paligid. Sa lakas ng pagsabog, nagkalat ang lamanloob ng whale at tumalsik nang napakalayo na halos umabot sa mga pinto ng establishment, mga sasakyan at mga taong namamasyal.

Napag-alaman na may gas na namuo sa katawan nang naaagnas na whale na naging dahilan nang pagsabog.

* * *

ISANG nakagugulat na pagsabog din ang naganap sa Germany at Denmark noong Abril 2005. Sunud-sunod ang pagsabog na parang scene kung Bagong Taon. Nang inspeksiyunin kung ano ang mga sumabog, napag-alaman na iyon ay mga palaka.

Ang pagsabog ng mga palaka ay self-defense mechanism nila sa pagsalakay ng mga uwak. Sinisikap umano ng mga palaka na palakihin ang sarili subalit sa ginagawang iyon ay nag-e-explode sila at namamatay.

ABRIL

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

GANOON

GAYA

MGA

NANG

NAPAG

SINISIKAP

SUNUD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with