^

Punto Mo

Police officials, may utang na loob sa INC

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Maliban kay PNP spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, wala nang ibang police officials na gustong magsalita tungkol sa naganap na protest rally ng sektang Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA. Halos lahat ng makontak na police officials ay nagmamakaawa na huwag na silang kunan ng statement habang ang iba naman ay hindi sinasagot ang cell phone nila. Kung sabagay, hindi naman lingid sa inyo mga kosa na ang mga opisyales ng INC Central ay sinasangguni muna tungkol sa mga promotion at appointment ng PNP officials, hindi lang bilang station commander, PD, DD, at RD, kundi maging sa Chief PNP mismo. Kaya karamihan sa police officials ay may utang na loob (o nagbabayad ba?) kaya’t tikom ang bibig nila kapag INC ang topic ng usapan. Get’s n’yo mga kosa? Pero ang maganda lang nito, naging mapayapa ang protest action ng INC, maliban na lang sa pambubugbog sa isang cameraman ng ABS-CBN at pag-harass sa kasamahan ko sa trabaho na si Robertson Ramirez. Hindi ko na talakayin kung ano ang kasunduan ng Palasyo at INC ng magsiuwian na ang mga ralyista sa EDSA noong Lunes dahil ayaw ilahad ng magkabilang panig ang dahilan. Basta ang tinitiyak ko lang, nakahinga nang maluwag at natanggal na rin ang busal sa bibig ng kapulisan. ‘Ika nga, back to normal na ang PNP kaya lagot kayong mga kriminal.

* * *

Hitik na ang pasugalan, lalo na ang jueteng ni Don Ramon, sa Quezon City na dapat sawatain ni QCPD director Chief Supt. Ed Tinio. Ayon sa sulat sa PM, ang bolahan ng jueteng ni Don Ramon ay dati sa Riverside at Kalayaan lang, subalit sa ngayon mayroon na sa Payatas sa lugar ng Bicol area na malapit sa tricycle terminal. Ang mga management ay puro taga-Payatas tulad nina Lito Motor, Pi­ning, Fidel at Pinong samantalang ang mga kabo ay sina alyas Bert, Ding, Mang Jerry, JR, Mang Arnel, Ding, Mang Prayleng, Nanay Inday at Joel. Siyempre, hindi nagagalaw ang jueteng ni Don Ramon dahil may basbas ito ni Tinio at ng mga station commanders na nakasakop sa kanilang operation, anang sulat. Kung sabagay, hindi lang jueteng ang talamak sa Payatas kundi maging sabong, video karera at color games. Ang parating pala ng financiers ng ilegal na pasugalan sa kapulisan ay P20,000 weekly sa jueteng, P15,000 sa video karera at P10,000 sa sabong at color games. Boom Panes! O hayan, Gen. Tinio Sir at baka nabukulan ka na d’yan! Hehehe! Kaya pala hindi mahuli-huli ng mga pulis ang mga wanted at kriminal sa Payatas, tulad ng holdaper at snatcher, kasi abala sila sa pag-proteksiyon o pagkakakitaan na pasugalan, di ba mga kosa? Tumpak!

Hindi lang pala mga pasugalan sa Payatas ang hawak ng mga bataan ni Tinio kundi maging ang mga makina rin ng video karera o kabayo sa Area 7 na ang sakop ay mga barangay na Holy Spirit, Commonwealth at Bagong Silangan. Ang operator ng mga makina o kabayo ay pulis na si alyas Tata Puke, anang sulat. Kaya walang bulabog ang vk operation ni Tata Puke ay dahil busog ang kapulisan ng Quezon City, ayon pa sa letter sender. Ano ba ‘yan? Hehehe! Habang patuloy ang operation ng ilegal na pasugalan sa Quezon City at hindi gagalaw si Gen. Tinio, baka isipin ng sambayanan na totoo ang balitang P700,000 ang weekly take ni QCPD director, di ba mga kosa? Kung sabagay, hindi lang pasugalan ang kinokolektahan ng mga bataan ni Tinio kundi maging ang beerhouse at nightclub na nagpapalabas ng malalaswa o bold kaya puedeng masambot ang P700,000, di ba kosang Perry Mariano Sir? Abangan!

ANG

CHIEF SUPT

DON RAMON

HINDI

KAYA

LANG

MGA

PAYATAS

QUEZON CITY

TATA PUKE

TINIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with