^

Punto Mo

Sen. Poe, dapat manindigan

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

INUULAN ng batikos si Sen. Grace Poe matapos makisawsaw sa kontrobersiyal na peaceful assembly ng Iglesia ni Cristo (INC).

Binatikos siya sa social media at agad binansagang traditional politician (trapo) matapos kampihan ang INC.

Dito malalaman ang katatagan ni Poe sa larangan ng pulitika na dapat ay panindigan niya kung anuman ang kanyang naunang sinabi.

Sinabi ni Poe nang kapanayamin ng media ukol sa INC na may karapatan ang religious group na magsagawa ng kilos protesta at dapat itong irespeto.

Wala naman sigurong ibang ipakahulugan si Poe kundi nais lamang nitong ipaalala sa publiko ang kalayaan sa pamamahayag.

Ang INC ay nagsagawa ng peaceful assembly sa Padre Faura sa Maynila at EDSA Mandaluyong na nagdulot ng grabeng trapik noong Biyernes.

Dapat ay masanay na si Poe sa mga ganitong batikos dahil mas marami pang ibabatong mas mabigat na banat sa kanya kapag nagsimula na ang pormal na kampanya para sa 2016 presidential elections.

Kung maninindigan si Poe sa kanyang naunang deklarasyon na pagsimpatya o pagkampi sa INC, nagpapakita ito ng kanyang katatagan sa pagpasok sa mas mabigat na laban sa 2016 elections.

Tiyak na may ibabatong personal na atake laban kay Poe lalo pa’t siya ngayon ay na­ngunguna sa mga survey na posibleng ibotong presidente sa susunod na eleksiyon sa bansa.

Anuman ang pahayag ng bawat indibidwal, dapat lang irespeto ng kanyang kapwa dahil lahat tayo ay may karapatan bilang mamamayan.

ACIRC

ANG

ANUMAN

BINATIKOS

BIYERNES

CRISTO

DAPAT

DITO

GRACE POE

PADRE FAURA

POE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with