^

Punto Mo

‘Ber’ crimes

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

DALAWANG araw na lang ‘ber’ months na. Panahon kung kailan tumataas ang iba’t ibang uring kriminalidad sa bansa.

Bubulaga na naman sa mga balita ang mga patayan, nakawan, panghoholdap, panloloob sa mga establisimento, akyat-bahay, panggagahasa at iba pang mga kauri nito.

Sa katergorya ng Philippine National Police (PNP), index crime at non-index crime ang tawag dito. Nakapaloob dito ang mga krimen o kung tawagin ng mga alagad ng batas, crime against person at crime against property.

 Kaya ngayon palang, nagbababala na ang modus buster sa larangan ng media, ang BITAG. Nagbibigay-babala sa publiko bago pa man ang ‘ber’ crimes.

Sa ganitong mga panahon kasi, mas aktibo at agresibo ang mga masasamang-loob at demonyo sa lupa. Ginagawa nilang palaruan ang lansangan gamit ang kanilang mga estilo, taktika at estratehiya.

Wala silang pinipiling oras, basta nakahanap ng oportunidad dala ng matinding pagnanasang maisakatuparan ang kanilang kahayupan, ikakasa nila ang kanilang aktibidades.

Bagamat pinaiigting ng PNP ang kanilang kampanya kontra kriminalidad o ‘yung epektibo raw na Oplan Lambat Sibat sa kalakhang Maynila na inilunsad ni Interior Sec. Mar Roxas, hindi nito magagarantiya ang seguridad ng publiko.

Kaya paulit-ulit  na sinasabi ng BITAG laging maging ‘listo at ‘lerto sa lahat ng pagkakataon lalo na kung kayo ay nasa labas, sa lansangan at sa mga pampublikong lugar.

Mas mabuti nang maging praning kaysa naman umuwing luhaan. Mag-ingat, mag-ingat!

• • •

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ABANGAN

ACIRC

ANG

BAGAMAT

INTERIOR SEC

KAYA

MAR ROXAS

MGA

NBSP

OPLAN LAMBAT SIBAT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with