^

Punto Mo

‘Kapos sa sampu…’

- Tony Calvento - Pang-masa

MADALAS nating marinig ang mga katagang ‘Oo pangako yan’ pero sa oras na singilin na sila sa binitawang salita lagi nilang sagot wala silang binibitawang ganun sa iyo.

Taong 2014 nang unang magtrabaho ang asawa ni Edna na si Jaime Libringca. Maayos naman ang naging trabaho ni Jaime kahit na maliit ang sahod pinagtiyagaan ni Jaime para may pangtustos sa pamilya.

‘Machine Operator’ siya sa Mayer Steel Pipe Corporation. Ika-29 ng Hunyo 2015 habang nagtatrabaho si Jaime naipit ang kaliwang daliri niya sa makina.

“Dinala siya kaagad sa Philippine Orthopedic Hospital. Sabin ng doktor putol na ang hinlalaki ng mister ko,” pahayag ni Edna.

Hiniling ni Jaime sa doktor na gawin ang lahat ng paraan para maidugtong lang ang naputol na hinlalaki. Ikinabit naman ito ng doktor tinahi ito at pinainom siya ng antibiotic.

Pagkaraan ng ilang araw sinabihan siya ng doktor na kailangan na itong tanggalin dahil hindi naghihilom ang sugat.

“Pwede daw kasing higit mapinsala ang kamay ko dahil dito. Hindi na kasi talaga dumadaloy ang dugo kaya tinanggal na talaga,” kwento ni Jaime.

Ang kanyang kompanya daw ang gumastos ng lahat. Nagkaroon din daw sila ng kasunduan na kapag gumaling na siya ay gagawin na siyang regular sa trabaho.

Ang kontraktor nila ang nakikipag-usap sa mga doktor at umasikaso ng mga bayarin.

Ayon kay Jaime Php28.00 bawat oras lang ang kanyang sahod. Dose oras ang kanilang pasok at mukha lang daw malaki ang sahod dahil sa haba ng pagtatrabaho.

“Wala din kaming mga benepisyong natatanggap. Sabi pa nila hindi daw ako regular kaya wala akong matatanggap mula sa kanila,” salaysay ni Jaime.

Pinanghawakan ni Jaime ang pangako sa kanya na pagkagaling niya ng anim na buwan ay babalik na siya sa trabaho.

Iniisip nila bakit wala man lang tulong na matatanggap si Jaime gayung naaksidente siya habang nagtatrabaho.

“Tinanong namin sila bakit ganun ang kondisyon nila. Matagal na naman akong nagtatrabaho dun hindi pa din pala ako regular,” ayon kay Jaime.

Ilang buwan na ang nakakalipas at wala namang kinikita si Jaime. Bumabalik sila sa kompanya para alamin kung matutupad ba ang pangako ng mga ito na mareregular siya.

“Mas maganda kasi kapag regular ako. Minimum ang sahod at may mga benepisyo pa,” sabi ni Jaime.

Nagdadalawang isip ngayon sina Jaime dahil mukhang pinagtataguan na daw siya ng kanyang mga nakakausap doon.

Bawat linggo ay isang libong piso lang ang ibinibigay sa kanya. Inaalala niya ang kanyang anak na sampung taong gulang. Nag-aaral pa ito kaya’t kailangan niyang magtrabaho.

“Hindi ko alam kung makakakuha pa ba ako ng trabaho sa kalagayan ko. Pakiramdam ko hindi na ako kompleto,” sabi ni Jaime.

Ang hinahabol ni Jaime ay kung maaari niya pang masingil ang kulang sa kanyang naging sahod noong mga nakaraang araw na ipinasok niya dito.

Nais niya ding malaman kung may tiyansa bang maging regular siya tulad ng ipinangako ng mga ito.    “Sana matulungan niyo ako sa problema ko. Hustisya lang ang hinahabol ko,” ayon kay Jaime.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang isang empleyado na naaksidente habang nagtatrabaho dapat ay doble ang benepisyong nakukuha nito.

Ang kompanya ang dapat sumagot ng pagpapagamot nito dahil tumutupad siya sa tungkulin ng mga oras na yun. Habang nagpapagaling si Jaime ang ibinibigay na pera sa kanya ay katumbas dapat ng sahod na natatanggap niya sa araw-araw.

Ang tungkol sa usaping kulang sa sahod, maaari siyang sumadya sa tanggapan ng National Labor Relations Commission (NLRC) para siya’y magabayan.

Hindi naman ito pagsasampa kaagad ng kaso. Ipapatawag ang magkabilang panig dahil meron silang tinatawag na Single Entry Approach (SENA). Kapag nagkasundo sila hindi na iaakyat ang kaso ngunit kapag hindi saka pa ito isasampa.

Nabanggit ni Jaime na anim na buwan ang hihintayin niya at mareregular na siya sa kompanya. Bumalik siya sa ikaanim na buwan at singilin niya ang ipinangako ng mga ito sa kanya.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

PARA SA ANUMANG REAKSIYON o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

ALIGN

ANG

EDNA

HINDI

JAIME

LEFT

MGA

QUOT

SIYA

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with