Ulyanin: Puwedeng mapigilan
KASAMA sa proseso ng pagtanda ay pagputi ng buhok at paghina ng memorya. Wala tayong magagawa kung ang itim nating buhok ay unti-unting maging kulay abo hanggang sa maging puti ito. Ngunit ang paghina ng memorya o pagiging ulyanin ay puwedeng mapigilan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Base sa bagong pag-aaral na ginawa, hindi totoong namamatay ang brain cells habang tumatanda ang tao. Ang totoo, patuloy itong tumutubo hanggang 68 years old. Ngunit mangyayari lang ang pagtubo kung regular tayong mage-exercise sa loob ng 30 minuto kagaya ng paglalakad nang mabilisan (brisk walking).
Kapag daw bata pa, isang side lang ng utak ang madalas gamitin ng isang tao. Mas maganda kung parehong sides ng utak ang gagamitin kapag sumapit na sa middle age ang isang tao upang maging matalino siya sa paghuhusga, pagdedesisyon o maging mahusay sa pagpapaliwanag ng kanyang paniniwala at saloobin sa ibang tao. Matutupad lang ito kung iiwasan niya ang pagkain ng sobrang matamis. May kinalaman ang blood sugar level sa pagkakaroon ng sharp mind.
Ang “frontal lobe” ng ating utak ay ginagamit para magkaroon tayo ng “concentration” sa ating mga ginagawa. Ngunit habang tumatanda ang tao, ito ay humihina. Ang resulta ay mabilis tayong mawala sa ating sarili, kaunting ingay lang ay nawawala na ang ating concentration sa ginagawa at mahirap makatanda ng pangalan. Upang lalong maging aktibo ang “frontal lobe” at hindi manghina ang “brain neurons”, gumaåwa ng mga mentally challenging activities once a week kagaya ng pag-aaral ng bagong lengguwahe o mag-aral ng pagpipiyano. Ang mga taong hinahasang mabuti ang kanyang isipan ay nababawasan ng 50% ang tsansa niyang magkaroon ng Alzheimer’s disease.
- Latest