^

Punto Mo

Hindi lang basta CCTV lamang, dapat din itong tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi maikakaila ang marami ng krimen na naitala at nakita sa mga nakakalat na CCTV.

Bukod pa na sa kasalukuyan ay talagang laganap na rin ang nakakalat na mga CCTV sa hindi lamang sa harap ng mga pribadong bahay kundi maging sa mga lansangan.

Noon lamang nakalipas na linggo nasumpungan ang maraming  mga pag- atake ng mga kawatan.

Natiktikan ng mga nakakabit na CCTV ang ilang pangangarnap, pag- atake ng salisi partikular sa mga establisimento hanggang sa harapang mga  pagpatay.

Yun nga lang, sa kabila na nakunan ng CCTV ang mga pangyayaring ito, tila hanggang doon na lamang.

Ang siste, wala namang nakatutok o nagbabantay para agad itong marespondehan kaya ayun nakakawala ang mga kawatan at kriminal.

Kapag nangyari na ang isang krimen at saka lamang rerebyuhin  ang kuha sa CCTV. Bagamat malaking bagay din sa paglutas ng kaso ang mga nakakabit na CCTV kahit walang nakamonitor dahil nakikilala sa pamamagitan  ng mga kuha kung sino ang sangkot dito, ang pagtugis naman at paglutas sa kaso ang nagtatagal.

Kumpara kung may nakatutok sa  CCTV maaaring agad itong marespondehan para sa agarang ikadarakip ng mga sangkot.

Subok na ang kahalagahan ng mga camera na nakakalat sa lansangan lalu na sa crime prevention dahil nga andap din ang ilang masasamang loob na umatake kapag nakita nila ang CCTV.

Pero aminin din natin na may ilan na kahit na may CCTV ay hindi nagdadalawang isip na isagawa ang kanilang operasyon, marahil alam nilang hanggang kuha lang ito at madali pa rin silang makakawala dahil nga sa walang nakamonitor.

Panahon na marahil na kailangang matutukan o mabantayan ang bawat  nakukunan ng CCTV na mas malong makakatulong sa pagsugpo sa krimen sa kapuluan.
Partikular ang mga CCTV na mismong ang pamahalaan o lokal na mga pamahalaan ang siyang naglagay.
Isama na rin dito angga CCTV na ikinabit sa bawat barangay.
Maliit na katagdagang pondo lang naman matahil ang kakailangaon para maglaan ng tututok sa mga kaganapan na nakukunan ng CCTV para lalong magkaroon ng saysay sa paglalagay nito.

ANG

BAGAMAT

BUKOD

CCTV

ISAMA

KAPAG

KUMPARA

MALIIT

MGA

NATIKTIKAN

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with