Sabi ng psychologists…
---Mas mabilis kumbinsihin ang mga taong pagod.
---Mas malaki ang tsansa na kumita ang restaurant kung ang ipapakita nila sa advertisement ay maraming taong kumakain sa restaurant kaysa ang ipapakita lang ay mga pagkaing isinisilbi nila.
---Ang pamphlets na gumamit ng bold, red or blue fonts sa teksto ay mas nakakaakit na basahin kaysa pamphlet na gumamit ng pangkaraniwang size at walang kulay na teksto.
---Kung gusto mong maging mabenta ang iyong produkto, gumawa ka ng gimik na parang kakaunti lang ang iyong stock. Halimbawa, gumamit ng salitang “limited edition ”. Lilikha ito ng impresyon sa kostumer na espesyal ang produkto kaya limitado lang ang bilang na ginawa.
---Sa job interview, kadalasan, ang pinakauna at pinakahuling interviewee ang mabilis matandaan ng interviewer.
---Mawawalan ng focus ang iyong kausap kung tititigan mo ang kanyang hairline habang siya ay nagsasalita.
---Kung alam mong may kasamahan ka sa trabaho na ayaw sa iyo, tumabi ka sa kanya kapag may meeting o social event. Mababawasan ang asar niya sa iyo.
---Kapag may presentation sa big bosses or oral report sa school, gumamit ng hand gestures at lumakad-lakad habang nagsasalita. Magmumukha kang confident at hindi mahahalata na ninenerbiyos ka.
- Latest