Dalawang anekdota
A. Paper clip
Pagkatapos ayusin ni Albert Einstein ang mga sinulat niya, humingi siya ng paper clip sa kanyang assistant. Sa malas ay isang paper clip na nakabaluktot pa ang nakuha ng assistant.
Prof ito lang ang nakita kong paper clip, baluktot..
Kinuha ni Einstein ang paper clip, kumuha ng plies at saka dahan-dahan itong itinuwid para mapakinabangan. Maya-maya ay napasigaw ang assistant:
Prof narito pala sa drawer ang isang box na paper clip!
Pero hindi kumikibo si Einstein at parang “kerid na kerid awey” sa kanyang ginagawang pagtutuwid ng nabaluktot na paper clip.
Muling nagsalita ang assistant:
Prof bakit itinutuwid mo pa rin yang baluktot, ayaw mo bang gamitin itong bagong paper clip?
Ganito talaga ako, basta’t inumpisahan ko, tatapusin ko kahit ano pa ang mangyari.
B. Mandaraya
Si Martin Van Buren ang 8th President ng USA mula 1837 hanggang 1841. Gaano man siya kasikat noon araw, marami rin siyang “haters”. Noong eleksiyon sa pagkapangulo, ibang kandidato ang minamanok ng mga taga-Virginia. Siyam na boto lang ang kanyang natanggap mula sa nabanggit na lugar nang bilangin ang pangkalahatang mga boto.
Dinaya si Martin Van Buren sa Virginia! sigaw ng kanyang mga supporters.
Walang katotohanan ‘yan ! sigaw naman ng mga residente. Sa katunayan hinahanap namin ang walanghiyang bumoto sa kanya nang siyam na beses !
- Latest