Artist mula Australia, nagpatubo ng taynga sa braso para sa sining
ISANG artist mula Perth, Australia ang nagpatubo ng pa-ngatlong taynga sa kanyang braso bilang performance art.
Siyam na taon nang pinapatubo ng award-winning artist na si Stelarc ang pangatlong taynga sa ngalan ng sining. Noong 1996 pa siya naghahanap ng doktor na papayag na magpatubo ng taynga sa kanyang braso ngunit noong 2006 lamang siya nakatagpo ng tatlong surgeon na pumayag sa kakaibang hiling niya.
Binuo ang tenga mula sa mga materyales na karaniwang ginagamit sa plastic surgery. Ngayon ay napalibutan na ng kanyang sariling balat at laman ang artipisyal na taynga kaya na-ging ganap na itong parte ng kanyang katawan.
Ayon kay Stelarc, hindi para sa kanya ang pangatlong tay-nga sa kanyang braso. Para raw ito sa lahat dahil plano niyang kabitan ito ng wireless microphone na kumokonekta sa Internet. Sa pamamagitan ng microphone ay maaaring marinig ng sinumang pupunta sa kanyang website ang lahat ng tunog na nasasagap ng kanyang pangatlong taynga.
Matagal nang ginagamit ni Stelarc ang kanyang katawan bilang parte ng paglikha niya ng sining. Minsan na siyang nagsuot ng maliliit na camera sa kanyang baga at bituka sa ngalan ng performance art. Parte ito ng kanyang paniniwala na ang pagkakaroon ng teknolohiya sa katawan ay hindi na kakaiba at bahagi na ng ating pagiging tao.
- Latest