^

Punto Mo

Bantayan ang 2016 budget

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

SINIMULAN na ng mga kongresista ang deliberasyon sa 2016 national budget at dapat bantayan ito ng publiko sa pangunguna ng oposisyon at iba pang militanteng grupo sa Kongreso.

Lahat ng mga kongresista ay maaaring kumandidato sa 2016 elections sa iba’t ibang posisyon kung kaya baka naman magkaroon ng milagro sa budget.

Hindi maiaalis ang pagdu­duda ng publiko dahil nagnanais siyempre ang mga kongresista na kung maipapasa ang panukalang budget ay mayroong silang mapapakikinabang.

Kahit pa nangako ang ilang mambabatas na dadaan daw sa butas ng karayom ang 2016 budget, nakakalusot pa rin ito.

Tulad na lang ng 2015 national budget, mayroong natuklasan si dating Senator Panfilo Lacson na umano’y milagro sa budget. Lumitaw ang tinatatawag na pork barrel fund na naikubli sa ibang pangalan.

Asahan natin na kung may maisisingit sa mga departamento ng budget ay tiyak na may pakinabang dito ang mga mag-aapruba na mambabatas.

Kaya naman kailangan ang ibayong pagbabantay sa bawat kilos ng mga mambabatas lalo na ng mga kaalyado ng admi­nistrasyon.

May posibilidad kasi na maganit sa eleksiyon ang aaprubahang budget na papabor sa kandidato ng administrasyon.

Madalas mangyari ang mga ganitong balita na umano’y sa deliberasyon ng panukalang budget nakapagsisingit ng budget na tila sila-sila ay nagsasabwatan dahil pare-parehong may pakinabang. Kailangan ang ibayong pagbabantay nating lahat sa 2016 budget.

ACIRC

ANG

ASAHAN

BUDGET

KAHIT

KAILANGAN

KAYA

KONGRESO

LAHAT

MGA

SENATOR PANFILO LACSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with