Sampaguita (118)
NANG sumunod na dumalaw si Levi kay Sampaguita ay may dala itong maraming pagkain. Halos mapuno ang mesa nina Sam.
“Anong okasyon, Levi?’’ Tanong ni Sampaguita.
‘‘Birthday ko Sam.’’
“Happy birthday!’’
“Thanks, wala bang kiss?’’
“Saka na lang Levi. Kapag malapit na tayong magpakasal.’’
“Okey, Sam. Maghihintay ako.’’
“Darating naman tayo dun kaya magtiis-tiis ka lang.’’
“No problema.’’
Tiningnan ni Sam ang mga pagkain sa mesa.
“Ang dami ng pagkaing ito. Baka hindi ito makayang ubusin. Tatlo lang kami rito sa bahay.’’
‘‘Kaya nating ubusin yan. Masarap ang mga putahe kaya palagay ko walang matitira d’yan.’’
“Nag-abala ka pa, Levi.’’
‘‘Oks lang. Sige kumain na tayo, tawagin mo na ang mga kasama mo para masimulan na ang tsibugan.”
Tumayo si Sampaguita at tinawag si Viring at si Ram na nasa loob ng bahay. Agad namang sumunod sina Viring at Ram.
“Siyanga pala Levi, sila ang mga alalay ko rito – si Viring at Ram.’’
“Ah okey, sige kumain na tayo.’’
Si Levi ang naging tagasandok ng mga ulam. Nilagyan ang mga plato ni Viring at Ram.
Binulungan ni Manang Viring si Ram.
‘‘Mukhang matino na si Levi. Ram.’’
‘‘Mahirap pagtiwalaan ang taong ’yan, Viring
(Itutuloy)
- Latest