^

Punto Mo

Eye drops na nakagagamot ng katarata, naimbento sa California

- Arnel Medina - Pang-masa

ANG katarata ay ang paglabo ng lens ng mata at nagi-ging dahilan ng pagkabulag. Maraming kaso ng katarata sa buong mundo. Nagagamot ang katarata sa pamamagitan ng pag-opera sa mata ngunit magastos ito at nangangailangan ng husay ng isang espesyalista. Kaya naman hindi madali para sa mahihirap na bansa na masolusyonan ang problemang ito sa mata.

Ngunit sa tulong ng isang pagsasaliksik mula sa California, maaring masugpo na ang katarata nang hindi gumagastos ng malaki sa ospital. Nakaimbento kasi ang mga researchers mula sa University of California – San Diego ng isang eye drop na maaring tumunaw ng katarata.

Pinag-aralan ni Professor Kang Zhang at ng kanyang research team ang dahilan ng pagkakaroon ng katarata. Napag-alaman nila mula sa pag-aaral na isa sa mga sanhi nito ay ang pagkakaroon ng diperensya sa lanosterol ng mata. Ang lanosterol ang pumipigil sa pamumuo ng protina  sa mata, kaya nagkakaroon ng katarata ang isang tao kapag may diperensya ito.

Naisip ni Professor Zhang at ng kanyang grupo na gumawa ng isang eye drop mula sa lanosterol na ipapatak sa matang may katarata upang matunaw ang protinang sanhi ng pagkalabo ng mata. Sinubukan nila ito sa mga kuneho at asong may katarata at hindi nga sila nagkamali ayon sa naging resulta ng kanilang mga eksperimento. Nabawasan kasi ang katarata sa mata ng mga hayop at luminaw ang lens ng mga ito.

Bagama’t hindi pa ito nasusubukan sa tao at mas epek­tibo pa rin ang surgery, inaasahan namang magkakaroon ng mahalagang papel ang eye drops na natuklasan nila Professor Zhang sa pagsugpo ng katarata lalo na sa mga bansang walang sapat na yaman para maipa-opera ang lahat ng kanilang mga mamamayang nabubulag dahil sa katarata.

ACIRC

ANG

BAGAMA

ITO

KATARATA

KAYA

MGA

PROFESSOR KANG ZHANG

PROFESSOR ZHANG

SAN DIEGO

UNIVERSITY OF CALIFORNIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with